Anne Curtis, napasugod sa ospital para sa amang may sakit

Anne Curtis gives an update on her father who underwent an operation.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/7/2018 10:01 AM
Anne Curtis, napasugod sa ospital para sa amang may sakit


Photo credit: abscbnnews

Kaagad na pinuntahan ni Anne Curtis ang kanyang ama na si James Ernest Curtis-Smith sa ospital dahil sasailalim ito sa isang operasyon. Kinailangan pa ng It’s Showtime host na umalis kaagad sa kanyang event na dinaluhan dahil sa emergency na ito.

Sa kanyang Instagram story, nagpasalamat siya sa pag unawa ng kumpanyang kanyang dinaluhan.

Nakiusap din si Anne na ipagdasal ang kanyang ama. Hindi naman na niya ibinahagi ang rason kung bakit na-ospital ang kanyang ama.

“Prayer warriors please pray for a successful procedure today. Came straight here because they will be doing dad’s operation tomorrow and needed to explain the procedure,” aniya.

Photos credit: abscbnnews

Nagbigay naman ng update si Anne at sinabing nasa ‘road to recovery’ na ang kanyang ama.