Anne Curtis nagbigay update sa kalagayan ng ama

Nagpasalamat ang aktres sa mga nagdasal para sa succesful operation ng kanyang daddy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2018 10:46 PM
Anne Curtis nagbigay update sa kalagayan ng ama


Photo credit to the owner

Labis na pasasalamat ngayon ang ipinaabot ng TV host-actress na si Anne Curtis sa grand media conference ng kanyang 2018 Metro Manila Film Festival movie na Aurora.

Kasunod ito nang successful operation na pinagdaanan ng kanyang ama nitong Huwebes ng gabi kung saan napasugod siya sa ospital sa kalagitnaan ng isang event.

Read: Anne Curtis, napasugod sa ospital para sa amang may sakit

 

Yes, he’s in the recovery stage na, so maraming salamat po to everyone who prayed for my dad,” masayang tugon ni Anne sa panayam ng press.

Alam ko those prayers went a long way, sana magtuloy-tuloy pa para hindi siya mag-Pasko sa hospital,” pahayag pa ng aktres.

Sa December 25 ang showing ng Aurora kasama ang iba pang entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.