• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez on working with Vice Ganda: ‘Para kaming naglalaro’

Richard Gutierrez on working with Vice Ganda: ‘Para kaming naglalaro’

Kisses Delavin, natuto daw maging creative at mag-improvise dahil kay Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/6/2018 8:53 AM
Richard Gutierrez on working with Vice Ganda: ‘Para kaming naglalaro’


Sa ulat ng TV Patrol, unforgettable para kay Richard Gutierrez ang makatrabaho si Vice Ganda sa pelikulang Fantastica. Isa si Richard sa mga leading men ni Vice. Ani Richard, “ay ang saya, sobrang saya kasama ni Vice para kaming naglalaro sa set. Bawat eksena kailangan may punch line.”

Komento naman ni Vice sa sinabi ni Richard, “Humirap din at the same time, kasi yung mga simpleng eksena humahaba dahil sa kahaharot namin.”

Bukod kay Richard, marami ding natutunan ang tambalang Donny Pangilinan at Kisses Delavin. Ayon kay Kisses, “I learned a lot in this movie especially about improvisation, creativity. Si Mommy Vice, she’s so creative.”

Para naman kay Maymay Entrata at Edward Barber na kasama rin sa Fantastica ay malaking bagay na ang mapasama sa pelikula ni Vice. “Sobrang excited na kami kasi first time po namin na mapabahagi po sa movie po ni Miss Vice,” sabi ni Maymay.

Sa ngayon meron nang more than one million views ang trailer ng Fantastica na isa sa mga official entries para sa Metro Manila Film Festival. 

WATCH: Funny trailer of the movie “Fantastica”