• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman recalls how his dad helped him get his life back on track

JM De Guzman recalls how his dad helped him get his life back on track

Ibinahagi ni JM De Guzman, kasama ang kanyang ama, ang pinagdaan niya noong nagdesisyon siya na pumasok ng isang rehabilitation facility.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/6/2018 3:19 PM
JM De Guzman recalls how his dad helped him get his life back on track


Photo credit: @1migueldeguzma/ @_magandangbuhay on IG

Naging bukas ang Kapamilya actor na si JM De Guzman sa kanyang naging drug addiction problem noon, sa episode ng Magandang Buhay, December 6. Kasama ang kanyang ama na si Daddy Ron, ikinuwento ni JM ang unang beses na napagdesisyunan niyang pumasok ng rehab. 

 

"Yung first actually, ako na yung nagsabi sa lolo since takot nga ako kay daddy that time dahil nag aaway na kami dahil nga sa sitwasyon ko. Kaya sabi ko sa lolo ko, 'Lolo kailangan kong magpahinga, hanapan mo ko ng rehab, yung aircon ha.'" kwento ni JM De Guzman sa mga hosts ng show.

Sa kabila ng hindi pagkaka-unawaan nina JM at ng ama, inamin ng aktor na mismong si Daddy Ron ang nag-ayos ng proseso sa pagpasok niya sa Self Enhancement for Life Foundation (SELF) rehabilitation program noon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Fall Risk” πŸ™…πŸ»‍♂️ hello.πŸŒžπŸ™βœŒπŸΌ

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

 

READ: JM de Guzman finishes rehab program

"Sabi ng daddy, 'Hindi, ako ang aayos niyan.' Nagulat ako may plano na talaga siya (Daddy Ron) for me. Pagpasok ko lang dun (sa rehab), walang TV walang kahit ano (laughs)." kwento pa ni JM.

Mahirap man tanggapin sa sarili, ayon kay JM, inintindi niya ang plano ng kanyang ama sa sitwasyon niya. 

"Kung ilalagay ko yung paa ko sa sapatos niya, anong gagawin ko rin sa akin. Yung time na yon. 'Siguro hindi na nakikinig itong anak ko, bulgar na niyang sinisira yung buhay niya sa harap ng maraming tao. Diyan ka muna, pahinga ka muna diyan, baka may mga professionals na kayang (mapa-ayos) ka.'" lahad ng aktor. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

πŸ™ peace be with you.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Nang maitanong namang kung ano ang pangako ni JM para sa kanyang ama, agad na sinabi ng aktor, "To show him na yung disposition ko, maganda. Na naka-lock yung focus ko dun sa gusto kong mangyari sa buhay ko, sa goals ko. Basta pag nakikita niya ako, mararamdaman niya na nandun ako at hindi na 'ko kakalas doon. Para alam niya na may napuntuhan ang sakripisyo niya at love niya sa 'kin."

Agad namang sumagot si Daddy Ron na, "Sa sinabi niya, natanggap ko na yung Christmas gift ko."

Naging sunud-sunod naman ang mga proyekto ni JM De Guzman, nang matapos niya ang nabanggit na rehab program noong July 21. Aabangan ang aktor sa bagong telerye ng ABS-CBN, na may working title na Kapalaran at isang romantic comedy na pelikula kasama si Arci Munoz na titled Last Fool Show.