• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto, nagseselos ba sa closeness nina Mama Bab at Yeng Constantino?

Angeline Quinto, nagseselos ba sa closeness nina Mama Bab at Yeng Constantino?

Angeline Quinto, pinaamin kung nagseselos sa closeness nina Mama Bab at Yeng Constantino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/6/2018 9:08 AM
Angeline Quinto, nagseselos ba sa closeness nina Mama Bab at Yeng Constantino?


Photo credit: @loveangelinequinto/ Yeng Constantino's YT video

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Angeline “Angge” Quinto na hindi daw totoo na nagseselos siya sa closeness ng Mama Bab niya at ng kaibigan niyang si Yeng Constantino. Pagbibiro pa ni Angge, “E kung san masaya ang Mama Bab, kung gusto niya tumira sa bahay nila Yeng, wala naman magagawa doon. Nanay ko siya e, susundin ko siya.”

Natatawa namang inamin din ni Yeng na mabilis sumasakay si Mama Bab kapag gusto niyang lokohin ito. “Kasi si Mama Bab, ‘pag magkasama kami Tito Boy yung sharpness niya sobrang bilis, (sasabihin ko) sige lokohin natin si Angge… sinasakyan talaga agad ni Mama Bab. Sobrang cute niya talaga.”

Ayon pa kay Angge tungkol sa Mama Bab niya, “Lahat ng katrabaho ko, kumportable siya e…” 

Kinanta rin ni Angge ang ilang linya ng kantang “Anak” sa programa dahil ayon sa kanya, “Hindi ko talaga nakakalimutan kung paano ako pinalaki ni Mama Bab mag-isa.” 

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Mama Bab ang kinilalang ina ni Angge, pero hindi ito ang kanyang biological Mom, kundi tita ng kanyang ama.

READ: Angeline Quinto, bata pa lang ay pangarap na magkaroon ng bahay na may aircon