Vice Ganda, napagkamalang poser sa Tinder

Ibinahagi ni Vice Ganda sa 'It's Showtime' na minsan na niyang sinubukan gumamit ng isang dating app, ngunit na block ang account niya dito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/6/2018 2:31 AM
Vice Ganda, napagkamalang poser sa Tinder


Natatawang ikinuwento ni Vice Ganda sa It's Showtime nitong Miyerkules, December 5, ang karanasan niya sa paggamit ng dating app na Tinder. 

Sinabi ng TV host na minsan na siyang sumali dito, nang mai-share ng isang Tawag ng Tanghalan contestant na dito niya nakilala ang kanyang boyfriend. Kaya nga lang, di tulad ng contestant, hindi pinalad si Vice makahanap ng kanyang love life at na-block pa siya dito.

“Bad trip, naka-block ako sa Tinder, e! Kasi ‘yung mga Pinoy, akala siguro nila poser. Ni-report ako nang ni-report, naka-block tuloy ako! Hindi tuloy ako maka-swipe right, bad trip!” kwento ni Vice sa madlang pipol. 

“Ang ganda-ganda pa man din ng picture ko doon, ‘yung naka swimsuit ako sa Bohol. Ang dami kayang tsumitsika sa akin doon na foreigner!” dagdag pa niya.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hoy Kim, Kylie, Kendall magsilabas kayo!!!! Mga duwag!!!!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Sinuggest naman ng kanyang co-host na si Anne Curtis na gumawa ng bagong account si Vice, kaya't may mensahe si Vice sa mga naka-register sa dating app lalo na ang mga Pinoy.

“Huwag niyo nga ako i-block! Ang dami rin kasing Vice. Ilalagay ko, ‘Vice Ganda – Ako Po ‘To.’” pagbibiro ng komedyante.  

Samantala, mukhang di naman kailangang mag-Tinder si Vice sa ngayon dahil mainit na pinaguusapan ang kanyang rumored relationship sa basketbolistang si Calvin Abueva. Bagama't itinanggi ng dalawa na may romantic link sila sa isa't isa at sila'y malapit na magkaibigan lamang, tinawag ni Vice si Calvin na 'my sunshine.' 

Sa ngayon busy din si Vice sa promotion ng kanyang upcoming Metro Manila Film Fest entry na Fantastica na ipapalabas na sa mga sinehan sa December 25. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

All star cast ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Fantastica” #fantastica #mmff2018 #viceganda #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on