Vice Ganda may pangako ngayong darating na Pasko

Star-studded cast ng 'Fantastica' ang humarap sa press nitong December 4 kabilang sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at mga sikat na love teams.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/5/2018 3:53 PM
Vice Ganda may pangako ngayong darating na Pasko


Present ang buong cast ng 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na Fantastica sa pangunguna ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

All star cast ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Fantastica” #fantastica #mmff2018 #viceganda #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Bukod kay Vice, kasama din ang nag-gagwapuhan na leading men niya na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na first time magsasama para sa isang pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Expect a Fantastic Christmas kasama ang cast ng Fantastica! Lahat tayo magiging masaya! 🎄🎄🎄

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Super fresh ni Meme during the Fantastica Grand Media Launch! 😍😍😍

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

Bukod sa leading man, kasama din ang rising love teams ng Kapamilya network gaya ng LoiNie na binubuo ni Loisa Andalio at Ronnie Alonte, DonKiss nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin at MayWard na pares nina Maymay Entrata at Edward Barber, na magbibigay kilig sa mga manonood.

Labis na pananabik naman ang ipinaabot ni Vice Ganda, na hanggad ang magpasaya ngayong pasko.

“I wanna tell you right now, everyone will have a great time watching ‘Fantastica.’ Isinusumpa ko, nakakatawa ang pelikula namin,” sabi ng komedyante sa press.

“Nakakatawa hindi lang ito raket, patatawanin namin kayo, at hindi po ako natatakot na may lalabas ng sinehan na hindi natawa sa pelikula namin, tatawa po kayo. Mayroon at mayroong eksena sa pelikula na tatawa kayong lahat, hindi po namin kayo sinisindikato, masayang pelikula po ang panonoorin ninyo sa Pasko,” pahayag pa ni Vice.

Sa darating na December 25, mapapanood na ang Fantastica at iba pang pelikula na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.