• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, sinagot ng diretsahan ang maiinit na issue tungkol sa kanya

Kathryn Bernardo, sinagot ng diretsahan ang maiinit na issue tungkol sa kanya

Kathryn Bernardo, walang inurungan at sinagot lahat ng issue tungkol sa kanya

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/5/2018 10:28 AM
Kathryn Bernardo, sinagot ng diretsahan ang maiinit na issue tungkol sa kanya


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Box Office Queen Kathryn Bernardo na nagkaroon ng “kaunting” selos ang mga kapatid niya dahil siya ang mas natutukan ng Mama Min nila. Maging ang Papa daw ni Kathryn ay napalayo sa kanila dahil nasa Cabanatuan ito, habang sila ng Mama niya ay nasa Manila dahil sa pag-aartista ni Kathryn.  “Siguro konti, may konti. Especially nung teenage years ng Kuya ko alam ko yun pero ngayon, wala. Naintindihan nila,” kuwento ni Kathryn.

Marami ding pagsubok na kinaharap si Kathryn sa mundo ng showbiz. Inamin niya na habang nagte-taping siya ng La Luna Sangre ay kinuwestiyon niya ang sarili niyang kakayahan. “Kinwestiyon ko yung sarili ko, yung kakayahan ko, lahat… Ang hirap, lalo yung pumasok yung social media ang daming nagku-question. Ang daming opinyon.” 

Ayon pa kay Kathryn, “Alam ko hindi mo dapat papansinin… pero pumasok siya sa akin for a time especially nung La Luna Sangre. Naapektuhan ko.” Na-overcome daw niya ang pinagdaanan habang nasa La Luna Sangre din at “especially nung gumawa na ako ng movie after La Luna Sangre.”

Sinagot din niya ang masasakit na salita na ibinabato sa kanya. Sa mag nagsasabing “pabebe” siya, ang sagot ni Kathryn ay, “noon affected (ako dyan), ngayon hindi na masyado. Lahat tayo may kaartehan. Oo maarte ako minsan at wala naman masama, basta nasa lugar of course. Alam ko na kikay ako… Please alam ko hindi ako pabebe ha…”

Sa mga nagsasabi naman na “nagpa-retoke siya ng ilong” at “lumaklak siya ng gluta,” ang confident na sagot ni Kathryn ay, “hindi po talaga, tigilan na yan please.”

Sa mga nagsasabi naman na hindi siya sisikat kung hindi dahil kay Daniel Padilla, ito ang humble na buwelta ni Kathryn, “Part of me sinasabi na hindi ako magiging ganito kung nasaan ako ngayon kung wala yung tulong ni DJ kasi trinabaho namin ‘to for six, seven years… Hindi ko mararating ‘to lahat kung wala akong support system na katulad ni DJ.”

Sa mga nagsasabi naman na kinalimutan na niya ang mga dating kaibigan katulad ni Miles Ocampo, ang paliwanag ni Kathryn ay hindi sila nag-away kundi, “nag-grow lang kami separately, pero kaibigan ko pa rin siya. Hindi lang kasing ano ng before kasi marami kang makikilala e. And hindi ibig sabihin iniwan mo yung tao or something.”

Palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula ni Kathryn na Three Words to Forever. 

LOOK: Sharon Cuneta, Richard Gomez and Kathryn Bernardo to honor families with ‘Three Words to Forever’