• Home
  • Fresh Scoops
  • Kanino nga ba gusto ibigay ni Senator Nancy Binay ang kanyang ‘Make Love Not War’ book?

Kanino nga ba gusto ibigay ni Senator Nancy Binay ang kanyang ‘Make Love Not War’ book?

Bukod sa kanyang dalawang kapatid, maaari rin daw bigyan ni Senator Nancy Binay si Mocha Uson ng kanyang bagong libro.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/5/2018 3:14 PM
Kanino nga ba gusto ibigay ni Senator Nancy Binay ang kanyang ‘Make Love Not War’ book?


Bilang isa sa mga local public figures na madalas nabibiktima ng cyberbullying at inappropriate memes, nakabuo si Senator Nancy Binay ng isang libro tungkol sa tamang paggamit at pag-handle ng social media. Sa kanyang bagong labas na librong Make Love Not War, kasama ang fictional character at parody account na si Senyora Santibanez, nagbigay ng tips at advices ang senadora para sa mga netizens. 

"I think all of you naman are aware of my history in social media. Ever since 2013, when I ran for the Senate, six years ago. Kaya I think na I (can) be the queen of getting-bashed.”

"So this is my way of telling people who's being cyberbullied on how to cope with social media bashing," pahayag ni Senator Nancy sa kanyang book launching na naganap nitong December 5.

Nitong April 2018, maaalalang naglabas din ang senadora ng libro tungkol sa cyberbullying na may pamagat na 45 Handy Tips Towards Healing: The Nancy Binay Charcoal Confessions

Ayon kay Senator Nancy, natutunan niya na lang na maappreciate ang effort ng mga bashers para sa kanya. "Binabasa ko nga everyday. Kasi yung iba, I appreciate, kasi yung iba nakakatuwa naman, lalo na yung mga memes. Kasi isipin mo di ba, ‘yung time and effort to do a meme on me is parang a compliment. That's how I look at it," aniya.

 

Nang tanungin naman kung sinu-sinong celebrities o public figures ang kanyang naiisip na bigyan ng kanyang bagong libro, matagal niyang sinagot bago sabihing, "Siguro ano, uunahin ko ‘yung dalawa kong kapatid (laughs). Kasi nga di ba, 'Make Love Not War.’” Tinutukoy ni Senator Nancy ang naging away ng kanyang mga kapatid na sina Jejomar at Abigail noong Oktubre.

"(At) Siguro kay Mocha (Uson)," dagdag pa niya sa listahan ng maaari niyang bigyan ng kanyang libro.

 

Isa rin paraan ni Senator Nancy ang kanyang bagong librong para bumuo ng magandang relasyon sa isa sa kanyang mga bashers sa social media na si Senyora.

"Alam niyo naman ‘yung history namin ni Senyora. Akala mo talagang friends kami. Isa si Senyora doon sa mahilig mag-bash sa akin. Kaya nga the title e, Make Love Not War. I guess it is the first step towards having a good relationship with somebody who's been bashing for the past seven years,” sabi pa nito.

 

Mula sa ABS-CBN Publishing, Inc., available na ang Make Love Not War sa mga bookstores.