• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Trillo on being Kim Chiu’s first love scene partner: ‘Pareho talaga kaming kinakabahan’

Dennis Trillo on being Kim Chiu’s first love scene partner: ‘Pareho talaga kaming kinakabahan’

Dennis Trillo admits he was impressed with the talent and professionalism of his newest leading lady Kim Chiu.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/5/2018 9:33 AM
Dennis Trillo on being Kim Chiu’s first love scene partner: ‘Pareho talaga kaming kinakabahan’


In his latest Metro Manila Film Festival entry, Dennis Trillo said he enjoyed being paired with Kim Chiu for the very first time. “Walang problema katrabaho eh. Very giving na artista kaya kapag ka-eksena mo siya hindi ka mahihirapan mag-emote kasi madadala ka sa performance niya. Hindi mo makikita yung Kim Chiu, makikita mo yung Zyra sa pelikula na yun. So ganun yung naramdaman ko kaya hindi na ako nagkaroon ng problema na gawin yung kahit ano mag eksena kasi nakikita ko siya bilang Zyra sa script. Sobrang versatile niya na artista,” he said.

Dennis said he observed Kim during their shoot and saw her passion for the project. “Nakita namin yung dedication niya sa shooting, kahit na pagkatapos ng shooting talagang nagbabantay siya sa editing, inaalam niya kung ano yung magandang soundtrack na gagamitin. Daig pa niya yung producer kaya sobrang saya namin na talagang tutok siya and ganun siya ka-involved ito sa pelikulang ito. Nakita ko yung mga projects na ginawa niya noon. Parang pinipili niya iba iba palagi so this time iba na naman yung makikita niyo na kaya niyang i-offer. Kailangan niyo mapanuod yung performance niya dito,” he said.

As the first actor to do an intimate scene with Kim, Dennis acknowledged the privilege. “Siyempre sobrang suwerte namin ni JC (De Vera) na nagkaroon kami ng isang Kim Chiu na nakatrabaho dahil wala siyang arte. Kung ano yung kailangan sa eksena gagawin niya and then dadagdagan niya pa para mas lalo kaming ma-impress. So masuwerte kami na nagkaroon kami ng ganun ka-involved na co-star para mas pagandahin pa lalo yung project na ginagawa namin. Sa eksena na yun, actually nung una pareho talaga kaming kinakabahan. Pero habang pinag-uusapan namin kung ano yung gagawin parang mas nagiging kumportable kami sa isa’t isa and siyempre with the guidance of direk Eric (Quizon), naitawid namin ng maayos at very artistic ang pagkakagawa,” he said.