• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina on Barbie Imperial: "Nakikita ko very strong siya like me"

Ara Mina on Barbie Imperial: "Nakikita ko very strong siya like me"

Para kay Barbie Imperial, 'big sister' na ang turing niya kay Ara Mina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/5/2018 1:37 PM
Ara Mina on Barbie Imperial:


Photo credit: @msbarbieimperial on IG (R)

Halos magkapatid na ang turingan nina Barbie Imperial at Ara Mina simula noong una silang nagkasamang magtrabaho sa teleseryeng Araw Gabi. Ikinuwento ng dalawang aktres sa Magandang Buhay episode, December 5, kung paano nagsimula ang kanilang close relationship sa isa't-isa.

Ayon kay Barbie, nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Ara noong humingi siya ng love advice tungkol sa pakikipagrelasyon sa showbiz. "Yung sa amin ni ate Ara, nagstart ito noong first day ng taping ni Ate Ara. Minsan po kasi may mga bagay na hindi ko po masabi kay mama, kasi alam ko pong mas masasaktan siya kaysa sa akin.”

"So tinanong ko po si Ate Ara, ‘Nagkaboyfriend ka ba na artista din?’ Tas sabi niya, ‘Oo, marami.’ Sabi ko, ‘So ano nangyari, ba't hindi kayo nagkatuluyan?’ Tapos simula noon, sa kaniya na po ako humihingi ng advice," kwento ni Barbie.

Dagdag naman ni Ara, nagulat siya sa tanong ni Barbie dahil unang pagkikita nila iyon sa shooting ng Araw Gabi. "First taping day ‘yun ha. Nagulat ako sa kanya, humingi siya sa akin ng love advice tapos nag-open up siya," sabi ni Ara. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pamilya De Alegre ♥️

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Isa rin daw sa mga hinahangaan ni Ara sa kanyang little sister na si Barbie ay ang pagiging totoo nito. "Hindi siya maarte. Very coboy. Tsaka totoong tao siya, hindi siya yung pabebe. Meron kasing artista na pabebe masyado.”

"Nakikita ko yung sarili ko sa kanya na family-oriented siya, mahal niya yung pamilya niya. Nakikita ko very strong siya like me," kwento ng aktres. 

Mapapanood si Barbie sa Wanspanataym Presents: Switch Be With You tuwing Linggo sa ABS-CBN.