• Home
  • Fresh Scoops
  • Anong masasabi ni Piolo Pascual sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To?

Anong masasabi ni Piolo Pascual sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To?

Piolo Pascual, nag-react sa bagong format ng ASAP na ASAP Natin ‘To.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/5/2018 10:34 AM
Anong masasabi ni Piolo Pascual sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To?


Sa ulat ng TV Patrol, inamin ni Piolo Pascual ang paninibago niya sa bagong reformat na ASAP Natin ‘To. “Of course lahat kami parang nanganganay at first. Having Regine (Velasquez), a new set of hosts, a new stage, new program… Siyempre, mahirap din kasi parang you want to cater to your audience, we have to do segments, we have to do VTRs during the week, band rehearsal…”

Nagsalita na rin si Piolo tungkol sa diumano’y “pagkawala” ni Toni Gonzaga sa programa. “Toni Gonzaga had to go because she’s doing daily PBB (Pinoy Big Brother), so Sunday because she’s a mom too so kailangan niya rin ng pahinga. Siguro in time after PBB, she can come back.

“All of us. Miss Zsa Zsa (Padilla) is going to be back as well. I’m not the one to talk about that, but she’s back on it, on the show,” ayon kay Piolo.

Dagdag naman ni Piolo dapat maging positibo ang lahat sa pagtanggap ng pagbabago, “It’s really a matter of commitment, as long as committed ka sa show then gaganda yung show.”

Tutulak rin si Piolo papuntang US para makasama ang kanyang baby pamangkin at ang kanyang pamilya. 

SEE: Kapamilya celebrities give back to the needy