Pia Wurtzbach, proud sa tagumpay ng Pinoy designers

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2018 11:36 AM
Pia Wurtzbach, proud sa tagumpay ng Pinoy designers


Labis na pasasalamat ang ipinaabot ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Pinoy fans na dumalo sa 8th Thai Silk Fashion Road To The World 2018 kung saan ibinida ang world class talent ng Filipino fashion designer na si Oliver Tolentino.

Si Pia ang special guest ni Tolentino sa dalawang magkasunod na araw na fashion show na ginanap sa Bangkok, Thailand.

“Maraming salamat sa lahat ng kababayan natin na nandito ngayon, pati ang mga kaibigan natin na Thai na sumuporta at nanuod sa mga gawa ni Oliver Tolentino,” bungad ni Pia sa panayam ng PUSH at ABS-CBN news.

 

 

Isa si Oliver sa mga tumulong sa kanya noong panahon ng Miss Universe 2015.

“Sobrang nakaka-proud, kasi talagang world renowned ang isang Oliver Tolentino, and I’m so grateful that he helped me during my time in Miss Universe. If you still remember, he’s the one who created my red gown in preliminary competition, so ito ang parang pasasalamat ko sa kanya,” aniya pa.

At dahil panahon ngayon ng Miss Universe, nagbigay tips din si Pia sa 2018 batch ng Miss Universe candidates.

“It brings so much memories, seeing all your photos. Take lots of pictures and get everybody’s number so you can keep in touch at namnamin niyo and make the most of your time at Miss Universe,” aniya pa.

Kung tatanungin naman ang chances ni Catriona Gray na masungkit sa ika-apat na korona ng Pilipinas, aniya, “Kayang kaya niya yan. Talagang inaabangan ng lahat. Sobrang ganda, sobrang talino, at sobrang galling. and I’m also excited for her,” pahayag pa ni Pia.

Sa darating na December 17, mapaoanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.