• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on Daniel Padilla having other leading ladies: ‘I have to let him go also’

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla having other leading ladies: ‘I have to let him go also’

Kathryn Bernardo aminadong “never” magiging ready na magkaroon ng ibang leading lady si Daniel Padilla pero alam niyang kailangan eventually.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/4/2018 8:42 AM
Kathryn Bernardo on Daniel Padilla having other leading ladies: ‘I have to let him go also’


Sa interview ni Kathryn Bernardo sa Tonight with Boy Abunda kagabi December 3, tinupad nito ang pangako na sasabihin niya sa host na si Boy Abunda kung kailan ang second kiss nila ng boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla. 

“Of course, may second kiss. Ilang taon na yun… di ko lang matandaan exactly kung kelan yung second kiss. May second, may third. Of course naman,” kwento ng aktres.  

READ: Kathryn Bernardo on how Daniel Padilla is as a kisser: ‘He’s very gentle’

Ang huling kiss daw nila ay yung bakasyon nila sa Vancouver, Canada ni DJ. 

Inamin din ni Kathryn na hindi naging madali ang pagkakaroon niya ng ibang leading man sa pelikulang Three Words to Forever. Pag-amin pa niya ay natakot siya, “Very scared. To be honest umiyak ako kay Direk Cathy (Garcia).” 

Marami daw naging adjustments ang young star dahil sanay na siyang si Daniel lagi ang kasama sa pelikula.

“Ang daming adjustments sa kasama, wala si DJ. Alam mo yung feeling kapag iba yung kasama ko, kaakap ko… iba yung kasama ko sa scene, yung nagsi-sweet ako. Parang mali. Parang feeling ko may kasalanan ako, kasi I’m not used to that,” paliwanag pa niya.  

Full support naman si Daniel sa kanya at dinalaw pa siya nito sa Ormoc, kung saan shinoot ang ibang part ng pelikula. Kinausap pa daw nito ang leading man ni Kathryn na si Tommy Esguerra, na nakatulong para maging kumportable ang model-actor sa mga eksena nila ni Kathryn. 

Hindi rin daw magiging madali sa kanya kapag nagkaroon ng ibang leading lady si DJ. 

“Parang never akong magiging ready dun but I have to be ready kasi. I have to let him go also,” pag-amin ni Kathryn.  

Naging honest si Kathryn at ipinaliwanag kung bakit. 

“Kasi siyempre sino ba namang magiging ever comfortable makita mo na iba ang magiging ka-partner ng boyfriend mo. Iba yung ka-kiss niya, ka-hug niya… but I have to be ready kasi actor si DJ. Hindi naman pwedeng kami lang.”