Kathryn Bernardo calls Daniel Padilla sexy

Kathryn Bernardo says sorry to her boyfriend Daniel Padilla and to her mom

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/4/2018 10:54 AM
Kathryn Bernardo calls Daniel Padilla sexy


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Teen Queen Kathryn Bernardo na naging problema sa relationship nila ni Daniel Padilla ang hindi niya pagsu-sorry kaagad kung kinakailangan ito. 

Kaya naman may mensahe siya para sa boyfriend. “Kay DJ, dahil nahirapan akong sabihin yun before and I’m sorry na late kong narealize ‘to. Sorry na recently ko lang natutunan to… kasi parati kaming nag-aaway because of that issue.”

Pagpapatuloy niya, “Sorry because it took me a while to say sorry and thank you kasi naging patient siyang turuan ako no’n.”

READ: Kathryn Bernardo, kampante sa relasyon kay Daniel Padilla

In-explain din ni Kathryn na, “kasi ang dami naming away, na pwede ka naman mag-sorry pero pinahaba mo pa… kailangan mo pa ano yung pride mo.”

Malimit daw ay maliit na bagay lang ang rason ng pag-aaway nila. “Small things at lumalaki siya kasi hindi ako nagso-sorry.”

Proud din si Kathryn na maraming nase-sexy-han kay DJ pero binibiro daw niya ito na, “yung mga pants mo wag mong masyadong sikipan. Kung sikipan mo pa sige bahala ka, magda-damit ako ng sexy. So niloloko ko lang siya ng ganyan.”

Compliment pa niya para sa boyfriend, “kasi yung sexy niya di naman siya nagwu-workout. Sexy siya being himself, being DJ.”

Isa pa sa gustong hingan ng sorry ni Kathryn ay ang kanyang Mama Min. Rebelasyon ni Kathryn, “’Di rin naman ako perfect na anak Tito Boy and madalas ako din yung sakit sa ulo din ni Mama… kasi sobrang tutok si Mama sa akin… ayaw niyang magkamali ka. Sinasabi ko kay Mama na okay lang magkamali kasi gusto kong matuto from that mistake. Sometimes, meron diyang mga pag-aaway. Sometimes nagre-reason out ako, grabe yung stress niya…”

Ready din ang Mama ni Kathryn kapag dumating yung time na kailangan na niyang mag-asawa. “Ayaw din niya late ako magpakasal. (Sabi niya) At 25, 26… go na kung gusto mo.”

Dahil daw ito sa bata din nag-asawa ang mom niya at ayaw din daw nito na hindi ma-enjoy ni Kathryn ang magiging mga anak nito kung late na siya magpapakasal.