Jessy Mendiola, plano nang talikuran ang showbiz?

Malaki ang pasasalamat ni Jessy na dumating ang MMFF role sa panahon na hindi niya inasahan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/4/2018 5:29 PM
Jessy Mendiola, plano nang talikuran ang showbiz?


Magkahalong emosyon ang naramdaman ngayon ng aktres na si Jessy Mendiola sa naganap na media conference ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na The Girl In The Orange Dress.

Dito, inamin ng aktres na hindi niya inasahan na darating pa ang MMFF movie project sa kanyang showbiz career.

“It’s been a wonderful experience playing Anna and she’s very close to my heart kasi dumating siya panahon na ready na ako talikuran ang showbiz, kaya thank you,” maiyak-iyak na kuwento ni Jessy sa press.

“Pakiramdam ko kasi hindi talaga ito (showbiz) para sa akin. Siyempre yung sa lahat ng negative comments for the past two years, parang pakiramdam ko na hindi talaga ito right for me, kaya nag isip na din ako umalis or mag give-up,” pag-amin pa niya.

Ayon kay Jessy, hindi niya inasahan na darating ang proyekto na nakapagbalik sa  kanya sa kanyang pagiging isang artista.

“Siguro mga two weeks after na nagdecide ako, na dumating naman siya, (MMFF) role,” ani ng aktres.

Sa kanyang mga naging desisyon, nilinaw ni Jessy na kabilang sa kanyang kinokonsulta ang nobyo na si Luis Manzano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Vaticano with Manzano.

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

“Yes tinatanong ko sa kanya lahat, sineshare ko lahat sa kanya ng saloobin ko about showbiz, lalo ngayon sa panahon ng social media, malala na ang negativity,” sabi ni Jessy.

“Kasi sa sobrang negativity sa buhay mo gusto mo na lang talikuran lahat, pero he’s very supportive sa lahat nag decision ko, noong sinabi ko na gusto ko na mag give up sabi niya ‘sige bumalik ka sa gusto mo gawin, susuportahan kita’ ganun part na din siya nag nagiging decision ko sa buhay,” paliwanag pa niya.

At kung nahinto nga sa pagiging artista plano daw ni Jessy na bumalik sa pag-aaral.

“Balak ko po bumalik sa pag-aaral, siguro, I don’t know dumating din ako sa point na gusto ko humanap ng gagawin ko na iba maliban sa showbiz, pero iba din si God e, pag feeling mo na walang wala na biglang darating na ganitong malaki na blessing,” pahayag pa nag aktres.

Mapapanuod ang The Girl in The Orange Dress at Iba pang pelikulang kalahok sa 2018 MMFF sa darating na Disyembre 25.