Eddie Garcia, game makipag kissing scene sa kapwa lalaki

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/4/2018 9:46 AM
Eddie Garcia, game makipag kissing scene sa kapwa lalaki


Pinag-usapan sa presscon ng Rainbow’s Sunset, entry ng Heaven’s Best sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang tungkol sa kissing scene ng dalawang veteran actors na sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Kuwento ni Tony, “I was supposed to be sick, so he kissed me and I kissed him back.”

Ayon naman kay Tito Eddie, game siya kung sakali mang ipagawa ni Direk Joel Lamangan na magkaroon sila ng torrid kissing scene sa movie.

“If the script calls for it, okay lang sa akin, trabaho lang ‘yan, eh,” pahayag ng award-winning actor/director.

Ginagampanan ni Tito Eddie sa Rainbow’s Sunset ang papel ng isang late bloomer gay na nagdesisyong iwanan ang kanyang pamilya para samahan at alagaan ang matalik na kaibigang si Fredo (Tony) na may sakit na kanser.

Sa nagtatanong kung may kissing scene ang gumanap na young Eddie at Tony (Ross Pesigan at Shido Roxas) sa pelikula ay meron naman daw. Base pa nga sa kwento, sumigaw na ng “cut” si Direk Joel pero tuloy pa rin ang halikan ng dalawang aktor.

Ayon kay Ross, talaga raw hindi nila narinig na sumigaw ng “cut” ang direktor.

Natatawang kwento ni Ross, “Bago po namin ginawa ‘yung scene, kinausap po kami ni Sir Joel na ‘kung ayaw n’yong umulit ito, gawin n’yo nang maayos,’ sinasabi niya. So, one take naman po. Tinodo na po. ‘Yun, panoorin n’yo na lang po.”

Sambit naman ni Shido, ito raw ang first time niya na gumawa ng kissing scene sa kapwa-lalaki at pumayag siya dahil si Direk Joel ang direktor.

 “Nag-cut ako, hindi n’yo narinig,” nanggagalaiting tili ng direktor. “They were so concentrated,” hirit pa niya.

Sabi pa ulit ni Shido, since first time nga niya na makipaghalikan sa kapwa lalaki kaya hindi raw niya ma-explain ang pakiramdam ginagawa ang eksena.

“Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ‘yung pakiramdam na ‘yun. Nagdadasal ako habang ginagawa namin, sabi ko, ‘Sana, matuwa si direk nito.’ Para bang nagko-contemplate ako, sabi ko, ‘Ano kaya iniisip ni direk? Sana matapos na ito,’” kwento pa niya.

Hindi naman nakarating sa naturang presscon ang magkakapatid na Bautista na nasa likod ng Heaven’s Best Entertainment Productions pero nagpadala naman ng statement si Harlene Bautista na executive producer.

“Please extend my love and congratulations to the cast. And for the undying support of our friends from the media.

“Heaven's Best Entertainment will forever take pride in producing this amazing masterpiece. Thanks to Direk Joel, Tito Eddie, Tita Gloria (Romero) and the rest of the cast and the entire production team. Most of all to Sir Tony, my mentor and same with the rest of Dulaang UP, we love you and thank you for molding us in becoming the artists that we are today.

“Salamat Tito Pip (Tirso Cruz III), Aiko (Melendez) and Sunshine (Dizon). Maraming salamat sa buong cast. 

“My love also to Eric Ramos (scriptwriter) sa napakagandang obra.

“We lovingly dedicate this beautiful movie to our parents Butch and Baby Bautista.

“From Herbert, Hero and Harlene Bautista, maraming salamat po. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

“Abangan ang susunod na obra ng Heaven's Best Entertainment.”