• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryza Cenon, pinagsabihan ang fans ni Maine Mendoza matapos siyang i-bash ng mga ito

Ryza Cenon, pinagsabihan ang fans ni Maine Mendoza matapos siyang i-bash ng mga ito

Ryza Cenon to Maine Mendoza's fans: 'Kung mahal nyo mga idolo niyo matuto kayo rumespeto.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/31/2018 10:44 AM
Ryza Cenon, pinagsabihan ang fans ni Maine Mendoza matapos siyang i-bash ng mga ito


Photo credits: @iamryzacenon IG, & @mainedcm IG

Nagsalita ang FPJ's Ang Probinsyano actress na si Ryza Cenon sa kanyang Twitter account, matapos siyang atakihin sa social media ng ilang mga die-hard fans ni Maine Mendoza. 

Magkasama kasi sa cast ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ang dalawa at si Ryza ay ilan sa mga cast ng pelikula na nandun sa Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival noong December 27.  

Nagsimula ang isyu nang mapagkamalan ng mga fans ni Maine na si Ryza Cenon ang tumanggap ng FPJ Memorial Award na iginawad sa pelikula. Hindi kasi nagustuhan ng ilang fans ang hindi pagbanggit sa pangalan ni Maine sa speech ng Production Manager ng pelikula na si Camille Gomba-Montaño. 

Sa kanyang tweet noong December 28, nilinaw ng aktres na hindi siya ang tumanggap ng award, at ang umakyat ng stage ay ang PM na si Camille sa mga naging producer ng pelikula na sina Coco Martin at Vic Sotto. "Hi sa lahat ng fans ni @mainedcm na nagagalit sa 'kin dahil hindi ko daw nabanggit ang pangalan niya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan niyo rin kung ano ang sinabi ni Ms. Camille. Ang sabi niya, “Sa ngalan ng aming Producers” kaya 'wag manghusga agad," post ni Ryza kasama ang ilang screenshots.

ryza-maine-1.PNG

Sa mga sumunod na tweet ng aktres, pinatibay niyang hindi siya ang tumanggap ng award dahil sa pagkakaiba ng suot niya sa PM noong Gabi ng Parangal. 

ryza-maine-2.PNG

Dagdag ni Ryza, maituturing na bullying ang ginawa ng ilang Maine fans sa kanya. Sa isa pang tweet sabi ni Ryza, "I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nananahimik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo ginawa. No!!! That’s bullying!!"

ryza-maine-3.PNG

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#jackempopoythepuliscredibles presscon. ☺️ Malapit na!!!!! Ilang araw nalang mapapanood nyo na.😬

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Matapos linawin ang isyu, nagpatuloy pa rin ang mga pang-babash kay Ryza, na hindi rin naman pinalampas ng aktres. 

ryza-maine-4.PNG

"Kaya dapat sa mga totoong fans maging careful kayo sa bawat salitang sinasabi nyo at sa mga demands na gusto niyo dahil hindi lahat mabibigay sa inyo. At kung mahal niyo mga idolo nyo matuto kayo rumespeto sa ano ang nakikita niyo, good side lagi ang tingnan niyo...Mas tanga ka isa ka ba sa mga fans na nagpapanggap?" ang ilan lang sa mga matatapang na sagot ni Ryza sa mga fans.

ryza-maine-5.PNG

Habang ang ilang mga fans ni Maine ay humingi na ng tawad, hinihintay pa sa ngayon ang magiging reaksyon ni Maine Mendoza tungkol sa isyu. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Snip snip! 💇🏻‍♀️ Thank you, madam @celestetuviera!

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on