Did Dingdong Dantes just reveal his second baby’s name?

‘Fantastica’ star Dingdong Dantes calls second baby “The fourth.”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/31/2018 10:06 AM
Did Dingdong Dantes just reveal his second baby’s name?


Photo credits: @marianrivera IG

Sa December 25 episode ng Magandang Buhay, natanong kay Fantastica star  Dingdong Dantes ang tungkol sa magiging pangalan ng second baby nila ng kanyang asawang si Marian Rivera. Nasa second trimester na ngayon ng pagbubuntis si Marian at last February lang ay ni-reveal din ng mag-asawa na “boy” ang gender ng baby nila. 

LOOK: Dingdong, Marian expecting baby boy

Tinanong din kung magiging “the fourth” ang baby nila dahil sa “the third” na si Dingdong sa kanilang pamilya. Ang buong pangalan ng aktor ay Jose Sixto Gonzales Dantes III. Ayon kay Dingdong, hindi pa nila napag-dedesisyunan ang pangalan ng pinakabagong baby sa pamilya at nahihirapan daw sila dahil marami daw ang pangalan na meaningful para sa kanila. 

READ: Dingdong Dantes, nagkwento tungkol sa ikalawang pagbubuntis ni Marian Rivera

Pero sa kapo-post lang na photo ni Dingdong sa kanyang Instagram, mukhang nakapagdesisyon na sila kung anong ipapangalan sa baby. Ang caption kasi ng picture ay “The fourth.” Nasa Siargao ngayon sina Marian at Dingdong para i-celebrate ang kanilang wedding anniversary kaya’t super sweet na magkahalikan ang mag-asawa sa photo at pareho silang nakahawak sa tiyan ni Marian.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The fourth.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Ibig ba sabihin nito ay magiging Jose Sixto Dantes IV na ang newest baby ng “Dantes Squad?” Ating abangan.