• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez claps back at trolls who bashed her bikini photo

Beauty Gonzalez claps back at trolls who bashed her bikini photo

Beauty Gonzalez shuts down bashers with some good comebacks.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/31/2018 12:42 PM
Beauty Gonzalez claps back at trolls who bashed her bikini photo


Photo credits: @beauty_gonzalez IG

Minsan lang sumagot ang Kadenang Ginto actress na si Beauty Gonzalez sa mga bashers online kaya naman maraming nakapansin sa kamakailan niyang pagreply sa dalawang hate comments sa kanyang Instagram post, December 28. 

Makikita ang mga nasabing comments sa isang photo ni Beauty kung saan nakahigang nagpose siya habang naka-bikini, at may caption na, "Basking gloriously in this dappled Sunshine but in reality currently bracing ourselves for a typhoon to hit. Rain or Shine Beach is Life [sic]." 

"Parang last week ka pa hubad ng hubad ah... Damit na!" sabi ng isang netizen na sinagot ni Beauty ng, "Ikaw pakita ka naman! Para mag enjoy 14 followers mo?! Please?" 

Sa isa pang comment sa parehas na post, sinabi ng netizen na, "So tired of this woman getting naked all the time especially showing her pasty body." Sinagot ito ni Beauty ng, "Aww, di mo na kaya? Sige, my next post is especially dedicated to you. Sana wag ka na ma tired." 

49117489_2192527784329400_7355932441376194560_n.jpgPatuloy na mapapanood si Beauty Gonzalez sa Kadenang Ginto araw araw sa Kapamilya Gold.