• Home
  • Fresh Scoops
  • Sequel ng ‘Fantastica’, pinagaaralan ni director Barry Gonzalez

Sequel ng ‘Fantastica’, pinagaaralan ni director Barry Gonzalez

Hindi malayo na masundan ang kuwento ng “Fantastica”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/30/2018 11:19 AM
Sequel ng ‘Fantastica’, pinagaaralan ni director Barry Gonzalez


Patuloy sa paghataw sa takilya ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry na Fantastica sa pangunguna ni Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Vice Ganda.

Read: ‘Fantastica’ at ‘Jak Em Popoy’ nag uunahan sa box office sa MMFF 2018

Sa kasalukuyan, ang Fantastica at Jak Em Popoy: The Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza ang inaasahan na magbigay ng pinakamalaking kinita sa Metro Manila Film Festival.

Dahil dito, labis na kasiyahan ang naramadaman ng Fantastica director na si Barry Gonzalez.

“Siyempre, masayang masaya po kami na ganun ang resulta kaya thankful po kami. Kaya sana, panuorin pa din po natin ang Fantastica,” tugon ni Barry sa panayam sa kanya sa MMFF Gabi ng Prangal.

Aniya, dahil sa tagumpay ni pelikula, hindi malayo na masundan ang kuwento ng Fantastica.

“‘Yun nga po, hanggang ngayon po, pinag-iisipan namin kung pwede ba (masundan). Sana nga po meron pa, so nananiniwala po kami na may plano ang Star Cinema para diyan,” pahayag pa niya.

Tatagal nang unang linggo ng Enero 2019 ang mga pelikulang kalahok sa film festival