Isa sa mainit na pinag-usapan sa showbiz ngayong taon ang naging paglipat sa ABS-CBN ni Songbird Regine Velasquez.
Oktubre ng 2018 nang salubungin ng ABS-CBN Executives si Regine sa isang red carpet welcome para sa kanyang pagbabalik Kapamilya.
Bahagi si Regine ngayon ng ASAP Natin ‘To at ng inaabangan na Idol Philippines na magsisimula sa 2019.
Gaya sa maaksyong mga eksena sa top rating Kapamilya telerserye na FPJ’s Ang Probinsyano, pinag-usapan din ngayong 2018 ang naging hindi pagkakaintindihan ng nasabing teleserye sa Philippine National Police.
Kasunod ito ng ilan sa naging eksena sa Kapamilya telerserye na hindi nagustuhan ng PNP. Ganun pa man, naging maayos at nagkaunwaan din sa huli ang kapulisan at Coco Martin matapos ang pag-uusap.
2018 din ng ikinagulat ng mga fans ni Gary Valenciano ang kanyang biglaang open heart surgery. Kasama ang kanyang buong pamilya, naging matapang si Gary na hinarap ang matinding pagsubok sa kanyang buhay katuwang ang pananalig sa Diyos.
Sa pelikula naman, naging box office success ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa ngayon, 900 million pesos na ang worldwide gross ng pelikula na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Todo suporta din ang fans ng JaDine fans kahit na may mga proyektong magkahiwalay ngayon sina James Reid at Nadine Lustre.
Stand by pa din ang lahat sa muling paglipad ni Darna na gagampanan ni Liza Soberano. Nitong 2018, isang malaking pagbabago din ang naganap matapos umalis sa project si direk Erik Matti na pinalitan ni Jerrold Tarog.
Ilan lamang ito sa mga balitang showbiz na naging headline nitong 2018 na patuloy pa din na pag-uusapan sa darating na 2019.