2018 RECAP: What made showbiz headlines this 2018?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/30/2018 11:02 AM
2018 RECAP: What made showbiz headlines this 2018?


Photo credit to the owner

Isa sa mainit na pinag-usapan sa showbiz ngayong taon ang naging paglipat sa ABS-CBN ni Songbird Regine Velasquez.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome to ABS-CBN Regine Velasquez @reginevalcasid #reginevelasquez #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Oktubre ng 2018 nang salubungin ng ABS-CBN Executives si Regine sa isang red carpet welcome para sa kanyang pagbabalik Kapamilya.

Bahagi si Regine ngayon ng ASAP Natin ‘To at ng inaabangan na Idol Philippines na magsisimula sa 2019.

Gaya sa maaksyong mga eksena sa top rating Kapamilya telerserye na FPJ’s Ang Probinsyano, pinag-usapan din ngayong 2018 ang naging hindi pagkakaintindihan ng nasabing teleserye sa Philippine National Police.

 

 

Kasunod ito ng ilan sa naging eksena sa Kapamilya telerserye na hindi nagustuhan ng PNP. Ganun pa man, naging maayos at nagkaunwaan din sa huli ang kapulisan at Coco Martin matapos ang pag-uusap.

 

 

2018 din ng ikinagulat ng mga fans ni Gary Valenciano ang kanyang biglaang open heart surgery. Kasama ang kanyang buong pamilya, naging matapang si Gary na hinarap ang matinding pagsubok sa kanyang buhay katuwang ang pananalig sa Diyos.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

THE HOWS OF US in theaters Aug. 29, 2018.

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

Sa pelikula naman, naging box office success ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  Sa ngayon, 900 million pesos na ang worldwide gross ng pelikula na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Todo suporta din ang fans ng JaDine fans kahit na may mga proyektong magkahiwalay ngayon sina James Reid at Nadine Lustre.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

As it has been announced, I have officially resigned from the movie Darna. It’s been 5 years and how I wish I coud have finished it after all the hard work that went into preparing and putting it together. Unfortunately, things didn’t work out ideally for both parties. Darna is personal to me. My first project in the industry was as continuity supervisor for Peque Gallaga’s Darna with Anjanette Abayari. And doing this modern reboot of the classic superhero, I feel that I have come full circle in this industry. I would like to thank my staff and crew who have toiled through the process bringing forth brilliant design and execution ideas as to how we can bring to life a uniquely modern take of our iconic Filipino superhero that can be relevant to the times. To Liza Soberano, thank you for the dedication and commitment. I’m sure you’ll be a kickass Darna. To Star Cinema, ABS-CBN, and the next director, I wish you all the best for this project.

A post shared by erikmatti (@erikmatti) on

 

Stand by pa din ang lahat sa muling paglipad ni Darna na gagampanan ni Liza Soberano. Nitong 2018, isang malaking pagbabago din ang naganap matapos umalis sa project si direk Erik Matti na pinalitan ni Jerrold Tarog.

Ilan lamang ito sa mga balitang showbiz na naging headline nitong 2018 na patuloy pa din na pag-uusapan sa darating na 2019.