• Home
  • Fresh Scoops
  • Tignan: Pia Wurtzbach, pinalakpakan sa isang fashion show sa Thailand

Tignan: Pia Wurtzbach, pinalakpakan sa isang fashion show sa Thailand

Stand out pa din ang beauty ng 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa isang fashion show suot ang creation ng Pinoy designer na si Oliver Tolentino sa Thailand.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/3/2018 8:25 AM
Tignan: Pia Wurtzbach, pinalakpakan sa isang fashion show sa Thailand


Photo credit: @theolivertolentino on IG

Ramdam na ang Miss Universe fever sa host country ngayong taon na Bangkok, Thailand. Kasunod nito ang kabi-kabilang mga aktibidad para sa mas malakas na turismo sa nasabing bansa.

Sa pamamagitan ng Tourism Authority of Thailand at Tourism Authority of Thailand sa Pilipinas, rumampa si Pia Wurtzbach sa “8th Thai Silk Road to The World” fashion show, kung saan naganap ang isang reunion ng batch 2017 Miss Universe candidates.

Dito, labis na pinalakpakan ang 2015 Miss Universe, na rumampa suot ang isang Oliver Tolentino light blue silk gown na highlight ng fashion show.



Bukod kay Pia, kasama din sa mga rumampa sina 2017 Miss Universe Thailand na si Maria Pooonterlarp, na aminadong fan ni Pia.


“Yes, she’s so amazing, I saw her before I went to the Miss Universe stage and yeah whenever you ask anything all you have to do is to listen and one for sure you will learn so much from there,” sabi pa ng former Miss Universe Thailand.


Kasama din si 2017 Miss USA Kara Mccolough na rumampa para sa Thai Silk Fashion show na isa din sa hanga sa pagiging mabuting tao ng Pinay beauty queen.


“She’s a dope! She’s Pia, She’s amazing she’s one of the best people on Earth so I’m so glad that she comes and participate with us and she remains human and thank you Pia,” pahayag pa ng former Miss USA.


Mapapanood ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 ngayong December 17, sa ABS-CBN .