• Home
  • Fresh Scoops
  • Mommy Rosario on Vice Ganda and rumored boyfriend Calvin Abueva: 'Kung saan sila masaya, masaya na rin ako'

Mommy Rosario on Vice Ganda and rumored boyfriend Calvin Abueva: 'Kung saan sila masaya, masaya na rin ako'

Mukang boto ang ina ni Vice Ganda sa nalilink na basketball player dito na si Calvin Abueva.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/3/2018 3:10 PM
Mommy Rosario on Vice Ganda and rumored boyfriend Calvin Abueva: 'Kung saan sila masaya, masaya na rin ako'


Sa episode ng Magandang Buhay  (December 3), ikinuwento ng ina ni Vice Ganda na si Mommy Rosario Viceral, kung paano ipinakilala sa kanya ng anak ang na-chichismis na boyfriend na si Calvin Abueva. Ayon kay Mommy Rosario, una niyang na-meet si Calvin at iba  pa nitong kaibigan noong sila ay nagbakasyon ni Vice sa Boracay noong nakaraang buwan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I’m happy. And i deserve it.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

"Kasi magla-lunch kami tapos noong nandodoon na ako sabi niya 'Nay may bisita ako ha.' 'Okay lang anak' sabi ko. Tapos dumating sila, pinakilala niya ako. That's it, I met them," kwento ng ina ni Vice.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

GANDAng singlambot ng basang diaper.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

READ: Vice Ganda claims his encounter with Calvin Abueva in Boracay was pure coincidence

Nang tanungin naman ng mga momshie hosts si Mommy Rosario kung ano ang kaniyang reaksyon sa kung sakali mang madevelop sa dalawa, mabilis naman itong sumagot ng, "That will be nice oo, maganda, masaya." 

"Hindi sila nag o-open sa akin. Ako naman, nasa edad na sila. Parang wala na akong karapatan ba na na mag-usi-usisa pa. So, whatever comes I welcome them. I accept them. Kung saan sila masaya, masaya na rin ako," pahayag pa ni Mommy Rosario.

READ: Vice Ganda nilinaw ang relasyon kay Calvin Abueva: ‘Hindi kami exclusively dating’

Dagdag na kwento ng ina ng box-office star, napapansin niya ang katuwaan at pagtutukso ng It's Showtime  hosts kay Vice at Calvin. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Yung mga gusto mong makagrupo sa thesis.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

"Sa 'Showtime' nga nitong lately pagbalik ko 'yun bang mga biru-biruan napapansin ko. So tinanong ko sa apo kong babae 'anak ano yon?' sabi kong ganun, 'eto ipapakita ko sa inyo.'" kwento ni mommy Rosario.