• Home
  • Fresh Scoops
  • Margie Moran at Pia Wurtzbach, positibong makukuha ni Catriona ang 4th Miss Universe crown ng Pinas

Margie Moran at Pia Wurtzbach, positibong makukuha ni Catriona ang 4th Miss Universe crown ng Pinas

Mula sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans para kay Catriona Gray, tiwala din ang dalawa sa former Miss Universe queens na may laban ang Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/3/2018 2:58 PM
Margie Moran at Pia Wurtzbach, positibong makukuha ni Catriona ang 4th Miss Universe crown ng Pinas


Photo credit: @piawurtzbach/ @catriona_gray/ Ballet Philippines' FB Page

Simula na nang unang linggo ng competition sa Bankok, Thailand ng inaabangan na Miss Universe pageant kung saan lalaban ang kinatawan ng Pilipinas na si Catriona Gray.

Mula sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans para kay Catriona, tiwala din ang dalawa sa former Miss Universe queens para sa laban ng Pilipinas sa darating na December 17.

 

Una na dito si Miss Universe 1973, Margarita Moran, na kahit hindi pa nakikilala ng personal si Catriona ay palagay sa magiging tagumpay nito.

“I’ve never met her, but I see her the way she talks, and I feel  she has a very good chance,” sabi ng 1973 Miss Universe.

Walang din daw duda sa kakayahan ng Pinay beauty queen.

“You can never tell eh, it depends on the situation. For me, if it’s meant for you, it is meant for you,” paliwanag pa niya.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman, positibo din na maiuuwi ang pang-apat na korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.

“Sobrang exciting. Ako, nag-aabang din ako I’m super excited for her, naniniwala ako na malaki talaga ang chance ni Catriona,” pahayag din ni Pia.

Sa darating na Decemeber 17 mapapanood ang exclusive telecast by Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.