Kyla, naiyak nang maalala ang sakripisyo ng kanyang Ama

Naiyak ang singer na si Kyla nang maalala ang lumang bahay na walang bumbilya at ang mga pinagdaanan noong hindi pa siya kilala sa mundo ng showbiz.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/3/2018 9:03 AM
Kyla, naiyak nang maalala ang sakripisyo ng kanyang Ama


Sa ulat mula sa Rated K, binalikan ni Kyla ang kanyang simula bilang singer at artista. 10 years old diumano si Kyla nang magsimulang sumali sa mga amateur singing contests at 12 years old naman siya nang mapasali siya sa That’s Entertainment.

Number one fan ni Kyla ang daddy niya, na nire-record pa ang mga kanta ni Kyla sa cassette tape at binibigay ito sa mga recording companies. Pagbabalik tanaw ni Kyla na hindi napigilang hindi maiyak. 

“Doon ko na-experience yung heartache ng parent. Every time nare-reject ako, sasabihin ng Dad bago ka masaktan ako muna ang masasaktan kasi ako yung unang lumalapit. So yung face ko kinakapalan ko talaga yung mukha ko para sa’yo,” kwento ng singer. 

Dumating din sa punto ng pinepeke ni Kyla ang edad niya para makapag-perform siya as lounge singer. Isa sa malaking dagok din sa pamilya nila ang estado ng nirerentahan nilang bahay. 

“Luluhod kaming magkakapatid, tapos yung dad ko and mom ko… tapos magdadasal kami kasi baka bumagsak yung bahay. Hanggang sa umalis kami dun sa nirerentahan naming na bahay na yun, hindi yun nagkaroon ng ilaw kasi wala kaming pambili ng ilaw,” sabi pa niya.  

College na si Kyla nang mabigyan siya ng opportunity na makapag-record ng kanyang single at ngayon naman panay most requested songs na ang mga kanta niya. Maayos na rin ang buhay ni Kyla dahil na rin sa kanyang pagsisikap. 

“That’s why I work so hard kasi ayoko nang bumalik sa mga ganung pangyayari and ayoko din siya ma-experience ng anak ko,” sabi pa nito.