• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid, nilinaw ang “regalong” sports car para kay Nadine Lustre

James Reid, nilinaw ang “regalong” sports car para kay Nadine Lustre

"So it was just a surprise. It wasn't a gift," paglilinaw ni James Reid sa napapabalitang regalong sports car niya raw para sa girlfriend na si Nadine Lustre.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/3/2018 3:20 PM
James Reid, nilinaw ang “regalong” sports car para kay Nadine Lustre


Naging usap-usapan nitong nakaraang buwan ang isang Instagram video kung saan nasorpresa si Nadine Lustre sa isang white Ferrari car na tila’y regalo ni James Reid para sa kanyang kaarawan.

 

WATCH: James Reid surprises Nadine Lustre with a Ferrari on her birthday
 

Pero sa paglilinaw ng Kapamilya actor, sinabi niyang isa itong surprise at hindi regalo. "I have a friend who owed me a favor and I said if I could borrow a Ferrari, and he let me use it. So it was just a surprise. It wasn't a gift," kwento ni James sa CinemaNews.

Ayon naman kay Nadine, masaya siyang sa ginawa ng boyfriend dahil mahilig siya sa sports cars. "I was surprised, I love cars, I was a huge fan of sports cars,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lustrous ✨

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

 

Sa ngayon, focus ang dalawa sa kani-kaniyang mga proyekto. Patuloy ang training ni James para sa inaabangang remake ng Pinoy superhero na Pedro Penduko. Si Nadine naman ay kasalukuyang nagte-taping para sa pelikulang Ulan at naghahanda sa bagong musical movie project kasama si Sam Concepcion. 

READ:Nadine Lustre on co-star Carlo Aquino: ‘Wala kaming awkward moments’

READ: Sam Concepcion at Nadine Lustre magtatambal sa isang pelikula