• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto, bata pa lang ay pangarap na magkaroon ng bahay na may aircon

Angeline Quinto, bata pa lang ay pangarap na magkaroon ng bahay na may aircon

Aminado ang singer na si Angeline Quinto, bata pa lang ay pangarap na niyang magkaroon ng isang bonggang bahay.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/3/2018 8:57 AM
Angeline Quinto, bata pa lang ay pangarap na magkaroon ng bahay na may aircon


Sa ulat mula sa Rated K, binalikan ni Angeline Quinto ang mga panahon na tumatakas pa siya sa kanyang ina para lang makasali sa mga amateur singing contests noong bata pa siya. 

Diumano 10 years old si Angeline nang magsimula ang hilig nitong kumanta pero tutol ang kanyang Mama Bab sa pagsali niya sa mga singing contests. Hindi nagpapigil si Angeline sa pagsali sa mga singing contests kapag may mga fiesta.

“Every time na may maririnig akong mga fiesta lalo kung malapit sa lugar sa amin, sali ako. Talagang ito siguro ang passion ko,” kwento ni Angeline. 

2010 naman nang sumali siya sa Star Power at nanalo siya matapos niyang kantahin ang kanyang winning piece na “Patuloy Ang Pangarap.” 

Simula nang manalo sa Star Power ay nagbukas na ang pinto opportunities para kay Angeline bilang singer at bilang aktres na rin. 

Ngayon nga dahil sa pagsisikap niya na matupad ang pangarap ay maayos na ang buhay ni Angeline at meron na rin silang sariling bahay ng kanyang Mama Bab. 

“Kahit nung bata ako ang hilig ko nang mag-isip, yung nag-i-imagine ka lang, paano kaya kung yung bahay namin mataas? Paano kaya kung yung bahay namin may mga aircon ang mga kwarto?” ani Angeline.