• Home
  • Fresh Scoops
  • Miles Ocampo on her friendship with Kathryn Bernardo: ‘Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya’

Miles Ocampo on her friendship with Kathryn Bernardo: ‘Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya’

Miles Ocampo speaks up about her estranged friendship with Kathryn Bernardo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/28/2018 10:41 AM
Miles Ocampo on her friendship with Kathryn Bernardo: ‘Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya’


Photo credit to the owner

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpakatotoo si Miles Ocampo nang tinanong siya ng King of Talk Boy Abunda tungkol sa friendship nila ni Kathryn Bernardo. Ani Miles, “Aaminin ko Tito Boy that I have been avoiding this topic, simula nung sinabi nila na nagka-issue kami ni Kat… Pag tinatanong ako sinasabi ko na okay kami kasi pag tinatanong si Kat sinasabi din niya na okay kami.”

Sa previous guesting ni Kathryn sa TWBA, sinabi niya na okay sila ni Miles at nag-grow lang sila separately.

READ: Kathryn Bernardo, sinagot ng diretsahan ang maiinit na issue tungkol sa kanya

Komento naman dito ni Miles, “But after watching her interview with you, siguro nga yun yung nangyari. Na na-grow na lang kami separately. Mahirap kasi, Tito Boy, na magigising ka na lang na wala na lahat. Nagising ka one day na bini-blame mo na lang yung sarili mo na hindi mo naman alam kung ano, hindi mo naman alam kung paano nangyari yun.”

Pagpapatuloy ni Miles, “Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya, Tito Boy. Every time na naalala ko affected pa rin ako, Tito Boy. Every time na may nababasa ako, na sinasabi nila about our friendship affected pa rin ako…”

Malaman din ang sinabi ni Miles about closure. “I guess Tito Boy, sa kahit anong relasyon mawawala lang yung pain kapag nagkaroon kayo ng closure kasi yung closure na yun hindi lang para matapos lahat, but to give yourself time to heal.”

Hindi nakatiis si Boy at nag-komento na sa mga sinabi ni Miles ay apparent na may naging problema sila ni Kat. Ang sagot naman ni Miles ay, “Yun Tito Boy, nagising na lang ako hindi ko alam kung bakit…”

Sinabi pa ni Boy na dapat may indicator, “Tumawag ka ba, nag-text ka na hindi ka sinasagot?” Sagot ni Miles, “Yun yung naramdaman kong pain, Tito Boy. Yun nga po sinisisi mo yung sarili mo sa isang bagay na hindi mo alam kung paano nangyari and wala kang kahit kaunting hint kung paano nangyari.”

Pero ayon kay Miles, time na lang din ang nag-heal ng kung ano mang problema ang pinagdaanan ng relasyon nila ni Kat. “Siguro yung time na lang din yung hinayaan kami mag-heal parehas.”

At ngayon daw “sobrang okay” naman na sila ni Kat, “Sobrang okay kami ni Kath, every time na mine-messsage ko siya, sasagot nman siya.”

Pagtatapos niya tungkol sa relationship nila, “We may not have the same friendship that we had nung nasa Going Bulilit kami but masasabi ko na yung pagiging special ni Kat sa akin, and yung pagmamahal ko sa kanya nandun pa rin…Ang importante na yun yung sinasabi namin sa isa’t isa and I guess yun na yun…”