• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang New Year’s resolutions nina Maris Racal and Inigo Pascual?

Ano ang New Year’s resolutions nina Maris Racal and Inigo Pascual?

Ibinahagi din nina Maris Racal at Inigo Pascual kung ano ang naging highlight nila sa 2018.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/28/2018 10:57 AM
Ano ang New Year’s resolutions nina Maris Racal and Inigo Pascual?


Photo credit: @inigopascual IG

Sa interview ng ABS-CBN Entertainment sa tambalang MarNigo o Maris Racal at Inigo Pascual, sinabi ng dalawa kung ano ang naging highlight ng 2018 nila. Para kay Maris, ito ang kanyang recent concert tour kasama si “Papa P” Piolo Pascual at ang kanyang “Papa Peh” (endearment ni Maris kay Inigo). “Tour, kasi first time ko mag-tour outside of Asia,” ani Maris.

Para naman kay Inigo, ito ang fan meet nila with the MarNigo fans. “Yun yung first time naming makita ang mga MarNigos na magkakasama and hindi namin alam na ganun talaga sila ka-supportive and ganun sila magmahal.”

Ano naman kaya ang New Year’s resolutions nina Maris at Inigo? Ayon kay Maris, “Hindi na gagawa ng New Year’s resolution, kasi kung may babaguhin man ako sa sarili ko, itatago ko na lang at gagawin ko na talaga siya.”

Ayon naman kay Inigo, “So our New Year’s resolution is no to New Year’s resolution.” Pero natawa si Maris at marahan niyang itinama ang statement ni Inigo, “Hindi… walang isusulat pero madaming ibabago.”