• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Toni Gonzaga, naluha sa 'away' nila ng kapatid na si Alex

WATCH: Toni Gonzaga, naluha sa 'away' nila ng kapatid na si Alex

Hindi napigilan ni Mommy Pinty na mag-referee nang mag-away sa kanyang harapan ang mga anak na si Toni at Alex Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2018 9:23 AM
WATCH: Toni Gonzaga, naluha sa 'away' nila ng kapatid na si Alex


Bangayang umaatikabo ang ipinakita ni Toni at Alex Gonzaga nang mag-shoot sila ng isang vlog episode kasama ang kanilang mommy na si Pinty. 

Makikita sa umpisa pa lang ng video ay tila 'mainit' na ang ulo ni Toni sa kanyang kapatid. Sinubukang mag-referee ni Mommy Pinty sa kanyang dalawang anak pero di nagpaawat ang dalawa at nagka-pisikalan pa. 

Tinodo pa ni Toni ang awayan dahil sa kanyang 'MMK acting' at naluha, na ikinagulat ng ina. 

Pero sa huli ay ni-reveal ng dalawa na isang prank lang pala ang kanilang away at gusto lamang mahuli ang reaksyon ng kanilang mommy. 

Panoorin ang eksena ng magkapatid dito: