Ricci Rivero proves he is a legit KathNiel fan

Ricci Rivero is a solid KathNiel fan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/27/2018 11:09 AM
Ricci Rivero proves he is a legit KathNiel fan


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Otlum star and most tweeted athlete Ricci Rivero na noon pa niya gustong pumasok ng showbiz. “I was thinking of [it] pero ever since parang wala akong nakikitang path para mag-enter ng showbiz…”

Pinatunayan din niya ang kanyang pagiging solid Kathryn Bernardo at Daniel Padilla fan dahil sa tama lahat ang sagot niya sa mga katanungan tungkol sa KathNiel. Nang tanungin siya kung ano ang first teleserye ng KathNiel ang sagot niya ay, “Princess and I.” Ang last teleserye naman ng KathNiel, ayon kay Ricci ay, “La Luna Sangre.”

Ang first movie diumano ng KathNiel, ayon kay Ricci, ay “Must Be Love,” at ang last movie naman nila ay, “The Hows of Us.”  Ang isa naman sa pelikula ng KathNiel kung saan hindi sila magkasama ay, “Revengers Squad.”

Matagal nang sinapubliko ni Ricci ang kagustuhan niyang makasama sa pelikula ang KathNiel pero dahil legit KathNiel fan siya ayaw daw niyang maging third wheel ng dalawa. “Yes, pero kung fan ka talaga nung dalawa ayaw mong may someone in between,” ani Ricci. Kaya daw kung makakasama siya sa pelikula ng dalawa ay gusto niyang maging, “kapatid or friend” ng KathNiel.

Bilib na bilib naman ang host na si Boy Abunda dahil napatunanyan ni Ricci ang kanyang pagiging KathNiel fan. Ginaya din ni Ricci ang madamdaming linya ni Daniel sa pelikulang Barcelona.

READ: Ricci Rivero: ‘Idol ko talaga yung KathNiel’