Coco Martin, pinuri ang ibang pelikulang kalahok sa MMFF

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2018 11:41 AM
Coco Martin, pinuri ang ibang pelikulang kalahok sa MMFF


Sa ikatlong araw sa mga sinehan ng 2018 Metro Manila Film Festival, puspusan pa din sa pag-promote ang mga artista para mapanuod ang kanilang pelikula.

Sa kasalukuyang mga ulat, gitgitan pa din sa number one spot ang mga pelikulang pang pamilya na Fantastica ni Vice Ganda at Jak Em Popoy: The Puliscredibles ni Coco Martin kasama si Vic Sotto at Maine Mendoza.

Read: ‘Fantastica’ at ‘Jak Em Popoy’ nag uunahan sa box office sa MMFF 2018

Tila winakasan naman ni Coco Martin ang kompetisyon sa naging Instagram post nito. Dito, pinuri ng Jak Em Popoy star ang Fantastica ni Vice Ganda na kapwa nakatuwang niya sa pag papasaya sa pamilyang Pinoy nitong Pasko.

 

Bukod sa Fantastica, pinuri din ni Coco ang pelikulang Aurora ni Anne Curtis.

 

Sa ikatlong araw, hindi padin inilalabas ng MMFF ang opisyal na kita ng mga pelikulang lumahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.