• Home
  • Fresh Scoops
  • Anong masasabi ni Ogie Diaz sa paglipat ni Kiray Celis ng TV network?

Anong masasabi ni Ogie Diaz sa paglipat ni Kiray Celis ng TV network?

May mahalagang payo rin si Ogie Diaz sa mga ninong na tumatakas sa kanilang mga inaanak ngayong Pasko.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/27/2018 3:02 PM
Anong masasabi ni Ogie Diaz sa paglipat ni Kiray Celis ng TV network?


Photo credit: @ogie_diaz/ @kiraycelis on IG

Sa "Mama Ogs Say" Facebook post ng writer at talent manager na si Ogie Diaz noong December 24, nagbigay siya ng mga pahayag sa mga sikat at kontrobersyal na isyu ngayon. Ilan sa mga pahayag niya ay tungkol sa paglipat ng dating Goin' Bulilit star na si Kiray Celis sa kabilang TV network, Metro Manila Film Festival, at maging ang mga tumatakas na ninong at ninang sa mga inaanak ngayong Pasko. 

 

Para kay Ogie, wala siyang nakikitang problema sa paglipat ni Kiray, "Okay lang naman. Pagbali-baligtarin man ang mundo, Kiray Celis is Kiray Celis. Just like Anna Dizon is Anna Dizon."

 

Sa kasalukuyan namang nagaganap na MMFF, may 'fearless forecast' si Ogie. "Obvious namang topgrosser na naman ang pelikula ni Vice Ganda, 'yung "Fantastika." Followed by "Puliscredibles" nina Vic Sotto at Coco Martin, then tie 'yung "Aurora" ni Anne Curtis at "Rainbow Sunset, then "Orange Dress" nina Jericho (Rosales) at Jessy Mendiola," sabi niya sa post. 

May iniwang payo rin si Ogie para sa lahat ng mga ninong at ninang na balak tumakas sa kanilang mga inaanak ngayong Pasko.

"So kung wala kang pambigay na regalo o aginaldo, sabihin mo ang totoo kesa takasan mo. Kung malalaki na ang mga inaanak mo, i-tag mo sa post mo sa fb na pasensiya na at walang-wala si ninong. 'Yan ay kung mapapaniwala mo sila sa paeklat mo."

"Maging totoo na lang, kesa mangutang ka para lang magpabida sa mga inaanak mo. Pangakuan mo na lang na magreregalo ka sa birthday niya, tutal, hindi naman magkaka-birthday ang mga inaanak mo. Kung walang-wala, magpakatotoo. Kung meron, 'wag magdamot. Hindi naman araw-araw ang Pasko. Para sa kanya, mas mabuti na lang magpakatotoo na walang maibibigay kaysa sa mangutang o tumakas," sabi ni Ogie. 

Mapapanood at mapapakinggan si Ogie Diaz bilang isa sa mga host ng OMJ ng DZMM teleradyo.