• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Magpinsan na nangangaroling, nabighani ang netizens dahil sa kanilang magandang boses

VIRAL: Magpinsan na nangangaroling, nabighani ang netizens dahil sa kanilang magandang boses

Viral ngayon sa social media ang mag-pinsang nangaroling sa Tacloban.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/26/2018 10:54 AM
VIRAL: Magpinsan na nangangaroling, nabighani ang netizens dahil sa kanilang magandang boses


Screenshot from Ritz Terante Collado's FB video

Viral ngayon sa social media ang magpinsan na sina Angelito, 14, at Arvin Sapra, 12, nang kunan sila ng video ng netizen na si Riz Terante Collado dahil pati siya ay nagandahan sa kanilang boses nang mangaroling mga ito sa Tacloban.

Nang ilagay ito ni Ritz sa Facebook, nagustuhan ito ng netizens at dumagsa ang papuri sa kanila. Sa ulat ng TV Patrol, taun-taong nangangaroling sa terminal sa Tacloban ang dalawa kapag wala silang pasok.

“Binibili namin yung pagkain namin kasi si Papa weather weather lang yung trabaho, helper [siya],” ani Angelito.