Robin Padilla, pinaghahandaan na ang bagong proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/26/2018 11:02 AM
Robin Padilla, pinaghahandaan na ang bagong proyekto


Isang bagong proyekto ngayon ang pagbibidahan ng batikang action star na si Robin Padilla.

Sa mga kumakalat na larawan ni Binoe sa social media, kita ang pag-transform ng aktor sa look ni dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Matatandaan na sa mga lumabas na ulat noon, personal choice ng dating PNP Chief si Robin para gampanan ang life story nito.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan ang target play date ng pelikula.

Bukod sa inaasahan na life story ni General Bato, naghahanda na din para sa nalalapit na pagpapalabas ng Marawi project si Robin kasama si Piolo Pascual.