• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on kissing Dennis Trillo and JC De Vera: ‘Iba-ibang intensity ang mga nangyari’

Kim Chiu on kissing Dennis Trillo and JC De Vera: ‘Iba-ibang intensity ang mga nangyari’

Kim Chiu talks about doing her very first mature adult film for the MMFF this year.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/26/2018 10:34 AM
Kim Chiu on kissing Dennis Trillo and JC De Vera: ‘Iba-ibang intensity ang mga nangyari’


In her most mature role to date, Kim Chiu said she is happy to be paired with talented actors like Dennis Trillo and JC De Vera whom she is working with for the very first time. “Ngayon ko lang din si JC nakatrabaho. Walang problema. Walang naging aberya and ang galing ng nangyari. Si Dennis hindi ko lubos maisip na magkikita kami sa isang proyekto and I’m honored na makatrabaho ko siya kasi iba siya, ang galing. Magaling talaga siya dito. Sobrang tahimik niya lang na tao pero pagdating sa take, iba talaga. Para kaming mag-best friend,” she shared.

The One Great Love actress admitted it was an advantage that she is not close to her new leading men JC De Vera and Dennis Trillo because of their kissing scenes. “Ay grabe yun. Basta iba, naisip ko mas maganda palang gumawa ng ganun pag hindi mo kakilala yung mga tao. Kasi iisipin mo actor kayo, kailangan mong gawin ito para sa pelikulang ‘to, yung ganun lang. Hindi din naman sila nagsasalita at saka ayoko rin silang kausapin bago namin gawin. So wala talaga, so better pala na ganun kasi hindi ka mahihiya sa kanila kasi after nun hindi na kayo magkikita (laughs), yung ganun. Si Dennis hindi rin siya nagsalita. At saka effective sa akin na hindi mag-usap. Lalo na sa jacuzzi, hindi namin alam. Sabi namin, ‘Paano ba ‘to?’ Hindi naman siya ganun kasi nakapag-rated PG pa rin naman kami. Naalagaan naman. Sadyang kailangan lang siya sa pelikula kung bakit ganun,” she shared.

Kim admitted it was awkward to do multiple kissing scenes but she does not want to choose who she thinks was a better kisser onscreen. “Iba-ibang intensity ang nangyari kasi iba naman yung character nila, yung paano sila sa akin at paano ako sa kanila sa kuwento. Panuorin na lang nila. Medyo naging awkward pero hindi yung sobra kasi hindi ko sila kakilala. Hindi yung ilang na ayaw mo na talaga lumapit pero kailangan niyo maglapitan kasi hindi kami close friends so nakadagdag din yun. Parang okay naman pala siya (gawin) na hindi mo siya ganun ka-kaibigan,” she explained.