• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Fantastica’ at ‘Jak Em Popoy’ nag uunahan sa box office sa MMFF 2018

‘Fantastica’ at ‘Jak Em Popoy’ nag uunahan sa box office sa MMFF 2018

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/26/2018 9:58 PM
‘Fantastica’ at ‘Jak Em Popoy’ nag uunahan sa box office sa MMFF 2018


Photo credits: @teamviceph IG, @mr.cocomartin IG

Naging matagumpay ang unang araw ng 2018 Metro Manila Film Festival sa pagbubukas ng mga pelikula nitong December 25.

Ayon sa pamunuan ng MMFF, nag -uunahan sa takilya ang mga pelikulang "Fantastica" ni Vice Ganda at "Jak Em Popoy The Puliscredibles" na pinagbibidahan nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza.

"Ang sinabi sa akin, ganito na lang ang mangyayari kasi kawawa naman yung nagla-lag behind. I can safely say that we are really so happy and we are going to the target na P1 billion. Kaya lang, gusto sana natin equal distribution hanggang kaya ng lahat ng mga pelikula. Pero as expected, yung mga pelikula ni Vice Ganda at saka ni Coco Martin at Vic Sotto ang nangunguna sa takilya," pahayag ng MMFF Spokesperson Noel Ferrer sa panayam ng DZMM nitong Miyerkoles.

"The large part of the pie was really that of Vice Ganda and that of Coco Martin and Vic Sotto," aniya pa.

Sumunod naman sa sa dalawang pelikula ang "Aurora" ni Anne Curtis.

"‘Yung pangatlo, medyo malayo, ‘yung kay Anne Curtis," ani Ferrer sa panayam.

Dadag pa ng MMFF spokesperson, Sa ngayon hindi pa makaglabas ng opisyal na bilang kung magkano na ang naging kita ng MMFF sa unang araw nito sa mga sinehan.

Tatagal hanggang January 7 sa mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa taunang film fest.

Samantala, sa darating na Huwebes, December 27, magaganap ang MMFF Awards Night sa The Theatre at Solaire sa Pasay City.