• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes, nagkwento tungkol sa ikalawang pagbubuntis ni Marian Rivera

Dingdong Dantes, nagkwento tungkol sa ikalawang pagbubuntis ni Marian Rivera

"In fact medyo mas mahirap nga ngayon, akala namin pareho lang yung pinagdadaanan," Dingdong Dantes shares his experience on wife's pregnancy.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/26/2018 5:09 PM
Dingdong Dantes, nagkwento tungkol sa ikalawang pagbubuntis ni Marian Rivera


Photo credit: @dongdantes on IG

Sa Christmas episode ng Magandang Buhay kahapon, December 25, isang regalo para sa parating nilang baby boy ang natanggap ni Dingdong Dantes mula sa mga momshie hosts. Ayon kay Dingdong, ito ang unang beses na may nagregalo sa kaniya para sa kanyang second baby. Ikinuwento rin ng aktor kung bakit excited siya sa parating na baby boy ng Team Dantes. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Salamat sa iyong pagdalaw sa Magandang Buhay home, Dingdong! #FantastiChristmas

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

"Kasi kay Zia pa lang, parang lahat gusto ko nang ipagawa sa kanya, katulad ng mga musical instruments. Hindi man ako marunong sa iba, pero gusto kong i-explore niya lahat, pati sports. Pero ngayon, may kahati na siya sigurado sa mga hilig - yung mga hindi ko rin nagawa noong bata ako, gusto kong gawin din niya," pahayag ni Dingdong sa mga momshie hosts. 

Dagdag ni Dingdong, kasalukuyan pa rin silang nag-iisip ng ipapangalan para sa pangalawang baby nila ng asawang si Marian Rivera. "Ngayon, for some reasons, hirap na hirap kami mag-isip kasi maraming mga very meaningful names for us. So we're really contemplating kung ano, siguro by next year, malalaman na namin," kwento ni Dingdong. 

 

Sa parehong interview din ay ibinahagi naman ni Dingdong kung paano dinadala ni Marian ang kanyang second pregnancy. "Kasi siyempre hindi madali ang pagbubuntis, nakita ko how difficult it was with Letizia. In fact medyo mas mahirap nga ngayon, akala namin pareho lang yung pinagdadaanan. Pati yung hinahanap niyang mga pagkain sa akin, dati wala namang kamias, ngayon may kasama ng mangga at kamias," masayang kwento ni Dingdong.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is how excited she is for her coming baby.......???? (Click the link up there in my bio☝🏻) 😉

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Palabas pa rin ngayon sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Dingdong Dantes na Fantastica kasama sina Vice Ganda at Richard Gutierrez.