• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys, pinasaya ang Pasko ng mga bata sa Bantay Bata Children’s Village

TNT Boys, pinasaya ang Pasko ng mga bata sa Bantay Bata Children’s Village

TNT Boys, nakipag-kantahan sa mga bata ng Bantay Bata Children’s Village.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/25/2018 6:00 AM
TNT Boys, pinasaya ang Pasko ng mga bata sa Bantay Bata Children’s Village


Sa ulat ng Rated K, inulan ng blessings ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion simula noong 2017 nang sumali sila sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Tugatog nga ng tagumpay nila ngayong taon yung makapag-concert sila sa Big Dome.

LOOK: TNT Boys turn emotional in their very first Big Dome concert

 

Kaya naman ngayong Pasko ay naisipan nilang gamitin ang kanilang talent para magbigay ng saya sa mga bata ng Bantay Bata Children’s Village. Ayon kay Mackie, “Desisyon po talaga namin na puntahan sila dito sa Bantay Bata kasi po gusto po namin silang kumustahin, bigyan ng alay ng kanta po para maging masaya po ang Christmas nila…”

Mala mini-concert ang handog nila sa mga bata na lubos namang nasiyahan. Nakikanta pa ang mga ito sa trio.

Ayon kay Kiefer, “Sobrang saya po na na-meet po namin sila kasi po, ang positive po nila…” 

Ayon naman kay Francis, “Gusto namin maging inspirasyon para po sa kanila. (para po) makalimutan po nila yung mga naranas nila dati…”