• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Vice Ganda, napasaya ang iba’t ibang fan na kailangan ng tulong

TIGNAN: Vice Ganda, napasaya ang iba’t ibang fan na kailangan ng tulong

Pinatunayan ni Vice Ganda na siya’y bukas palad para sa mga mahihirap.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/24/2018 5:58 PM
TIGNAN: Vice Ganda, napasaya ang iba’t ibang fan na kailangan ng tulong


 

Pinatunayan naman ni Vice Ganda na hindi na niya kailangan pang ipangalandakan ang kanyang pagiging bukas palad sa mga nangangailangan dahil gusto lamang niya ibahagi ang blessings niya sa mga nangangailangan din ng tulong.

Sa programang Pareng Partners ay ipinakita ang pagpapasaya ng It’s Showtime host sa batang si Joshua Cruz, na malaki ang paghanga sa kanya at kay Coco Martin.

Si Joshua ay may sakit na chronic kidney disease at pangarap niyang makita sa personal ang komedyante at natupad ito nang manood siya sa It’s Showtime live. Nagpasalamat si Joshua sa kanya dahil lagi niya ito napapatawa at nakakalimutan niya ang kanyang iniindang sakit.

Dahil tumatawa pa kayo at nag-e-enjoy pa kayo sa jokes ko, 'yon ang dahilan kung bakit gusto kong mag-joke nang mag-joke lagi," ani Vice.

Ipinangako din ni Vice na bibigyan niya si Joshua ng playstation 4 (PS4) at pinayuhan siyang wag magbabad sa laro.

Bukod kay Joshua ay tinulungan din ni Vice ang dating Tawag ng Tanghalan contender na si Girlie. Sinubukan ni Girlie na sumali sa TNT at ipangbibili sana niya ng prosthetic leg ang kanyang asawang naputulan ng paa dahil sa diabetes.

Hindi man pinalad na magwagi, hindi siya umuwing luhaan dahil pinangakauan siya ni Vice na siya na ang sasagot sa kailangan ng kanyang asawa.

Para akong maliit na bata, nagtatalon-talon sa saya, sumisigaw, umiiyak ako sa saya, tears of joy talaga," ani Girlie.

"Masaya ako 'pag nararamdaman kong napapaligaya ko 'yong taong natutulungan ko kasi bilang nanggaling din naman sa wala noon. Alam mo 'yong pakiramdam na kailangan mo ng tulong pero wala kang maasahan at alam mo 'yong pakiramdam ng kusang may nagbigay sa'yo ng tulong na di mo inaasahan," sabi naman ni Vice.