• Home
  • Fresh Scoops
  • Raymart Santiago, balik telebisyon kasama si Judy Ann Santos

Raymart Santiago, balik telebisyon kasama si Judy Ann Santos

Todo paghahanda na para sa kanyang pagbabalik telebisyon ang aktor na si Raymart Santiago.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/24/2018 9:26 AM
Raymart Santiago, balik telebisyon kasama si Judy Ann Santos


Photo credit to: @raymartsantiago IG (L) and @officialjuday IG (R)

Isa si Raymart Santiago sa mga mapapanood sa ikinakasang teleserye na Starla ng ABS-CBN, kasama si Judy Ann Santos, na magsisimula sa darating na 2019.

“Naku abangan nila, medyo matagal tagal din ‘tong pinaghandaan ng ABS-CBN,” pagmamalaking kuwento ni Raymart.

Patikim pa niya dapat abangan ang kanilang muling pagsasama sa isang proyekto, dahil huli niyang nakasama si Juday sa Aishite Imasu noong 2004.

“Magkababata kami dito (Judy Ann Santos), hanggang umalis siya sa barrio namin at nakapunta sa Manila nakapag-aral ng law at ako naman naging doktor dito at naging doktor to the barrio so magkakaroon my conflict sa aming dalawa,” ani Raymart.

Dahil unang nakilala sa pagiging isang action star, bukas din daw ang aktor kung sakaling bigyan siyang muli ng action roles.

“Wala pa naman pag-uusap, right now focus muna ako sa paparating. Kung meron naman why not ‘di ba?” masayang pahayag ni Raymart.

Inaasahan na sa unang bahagi ng 2019 mapapanood ang much-awaited comeback sa telebisyon ni Judy Ann kasama si Raymart.