• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, willing to work with more Kapamilya stars in the future

Maine Mendoza, willing to work with more Kapamilya stars in the future

‘Very open naman ako working with Kapamilya stars,’ Maine Mendoza said. By Push Team

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/25/2018 6:00 AM
Maine Mendoza, willing to work with more Kapamilya stars in the future


 

Ito na ang ikalawang beses ng aktres at komedyante na si Maine Mendoza na makasali sa Metro Manila Film Festival, bilang isa sa lead cast ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Sa interview ng press noong December 23, masayang ikinuwento ni Maine Mendoza ang experience sa pakikipagtrabaho kay Coco Martin. "Masayang maka-work ang iba't ibang artista, also from different networks. Kakaiba itong MMFF na 'to".

"Very helpful si Coco, and very professional kasi sobrang meticulous niya sa lahat ng eksena. Tulad nga ng sinasabi ko, kung pwedeng i-perfect lahat, kung pwedeng walang flaw yung eksena, gagawin niya. And ayun, gentleman siya as a person talaga," pahayag ni Maine sa press habang naghahanda para sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

 

 

Nang tanungin naman ang Kapuso actress kung may mga gusto pa siyang makatrabaho mula sa ABS-CBN stars, "Wala naman akong naiisip ngayon in particular. Pero as in very open naman ako working with Kapamilya stars. Sana in the future mabigyan ng chance, para lumawak din ang ano ko di ba sa career," sagot niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Snip snip! 💇🏻‍♀️ Thank you, madam @celestetuviera!

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

Isa ang Jack Em Popoy parade float sa mga lumubog sa putik at hindi nagamit noong sa MMFF Parade of Stars dahil sa walang tigil na pag-ulan. Pero kahit na nagka-aberya, game na game pa rin si Maine na sumabak sa parada. "Rain or shine, tuloy ang parada dahil maraming naghihintay sa parada. Kahit nga sila nagpapaulan oh para masaksihan lang ang parade, kami pa kaya?" sabi ni Maine. 

Mapapanuod na simula December 25 ang pelikula ni Maine Mendoza, kasama si Coco Martin at Vic Sotto.