• Home
  • Fresh Scoops
  • Kailan nalaman ni Mommy Pinty na nagba-vlog si Alex Gonzaga?

Kailan nalaman ni Mommy Pinty na nagba-vlog si Alex Gonzaga?

Gulat na gulat si Mommy Pinty dahil maraming nagpa-picture sa kanya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/25/2018 6:00 AM
Kailan nalaman ni Mommy Pinty na nagba-vlog si Alex Gonzaga?


Photo credit: @cathygonzaga IG

 

Sa isa sa Christmas episodes ng I Know Right, nakakatawa at animated na kinwento ni Mary, Marry Me star Toni Gonzaga kung paano nalaman ng kanilang Mommy Pinty ang tungkol sa pagba-vlog ng kanyang kapatid na si Alex.

READ: Toni Gonzaga on sister Alex: ‘She’s a superstar in her own right’

Kuwento ni Toni, “Nagba-vlog si Alex, nag-start ng August, December nagpunta kami sa Shangri-La Boracay para magbakasyon.

Pagpapatuloy ng kuwento ni Toni, “Nagising siya oily-oily pa ang buhok niya dahil ang dami niyang mga aloe vera na nilalagay sa gabi, langis-langis pa ang mukha niya. (Sabi niya) ‘Celestine, Catherine, may sundo daw diyan sa Shangri-La, dadalhin kami dun sa bayan, sa palengke.’”

Ang concern daw ni Mommy Pinty ng umagang yun ay kung maliligo pa siya kaya ito ang itinanong niya kay Toni at Alex, “e maliligo pa ba ako kasi baka pawisan din naman ako dun.”

Sagot daw nila Toni kay Mommy Pinty ay, “wag ka na maligo dun. Palengke lang yun, pumunta ka na dun.”

Kaya daw pumunta na nga si Mommy Pinty sa palengke ng Boracay para mamili ng mga pasalubong. Pagbalik daw nito, ayon kay Toni ay, “Eto na ngayon siya bumabalik siya… galit siya may mga plastic siyang dala, ‘Catherine halika dito, halika! Walang hiya ka! Bakit may mga nagpapa-picture sa akin! Bakit ako’y kilala ng mga tao doon?! Sabi sa akin ay Mommy Pinty.’”

Galit daw ito dahil “pangit” siya at hindi naligo tapos maraming nagpa-picture sa kanya. Nagsumbong pa daw ito kay Daddy Bonoy na, “Napakapangit ko Bonoy. Saan nila ako napapanuod?”

Pagalit uli ni Mommy Pinty kay Alex ay, “Catherine, walang hiya ka! Ano yun? Bakit kilala akong Mommy Pinty? Mag-spaghetti daw ako… Bwisit ka, napaka-pangit ko!

Dahil sa insidenteng ito, saka lang pinaliwanag ni Alex kay Mommy Pinty ang tungkol sa pagba-vlog niya.

Ayon pa kay Toni, lagi daw concern ni Mommy Pinty ang kanyang itsura at never daw itong nagandahan sa kanyang sarili. Kaya daw pinagalitan na nina Toni at Alex si Mommy Pinty at sinabing, “Mommy, tigilan mo na ang kasasabi ng pangit sa sarili mo, kasi pag pangit ka pangit din ang anak mo. Wala nang magagandahan sa amin. Kung ano ang puno, yun ang bunga!

Ang sagot daw ni Mommy Pinty ay, “Hindi nga? E pangit talaga e...”