Isang maulang Metro Manila Film Festival Parade of Stars ang naganap kahapon December 23 sa Paranaque City. Naging aberya din nang nabalahaw sa putik ang ilan sa mga float tulad ng sa Aurora, Jack Em Popoy Puliscredibles, Otlum, Rainbows Sunset at One Great Love. Pero gayunpaman, hindi nagpatinag ang ilang celebrities na pumarada at magpakita sa mga fans na naging masugid na mag-abang sa kanila.
Suot ang mga yellow raincoats, sumakay ng Fantastica float ang mga Kapamilya love teams na sina Maymay Entrata at Edward Barbers, Donny Pangilinan at Kisses Delavin, at Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Sampa rin sa kanilang float ang dalawang lead actors na sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at ang Unkabogable Star Vice Ganda.
Say hello to the #FloaTASTICA! 🎪 #FantasticaMMFFParade#MMFFParadeOfStars#Fantastica pic.twitter.com/eLLnkwNEVp
— Star Cinema (@StarCinema) December 23, 2018
Fun and love!#FloaTASTICA 🎪 #FantasticaMMFFParade#MMFFParadeOfStars#Fantastica pic.twitter.com/Q35UtIINrB
— Star Cinema (@StarCinema) December 23, 2018
Pagdating sa main program sa ASEANA City, dumating ang buong Fantastica cast nang basang-basa.
#Fantastica cast are here and all wet when appeared on stage. pic.twitter.com/jR6oXgQza0
— PUSH ALERTS (@Push_Alerts) December 23, 2018
Binalahaw man sa putik, tumuloy pa rin sa pagparada sina Aurora lead star, Anne Curtis at Jack Em Popoy actor, Coco Martin na parehas namang gumamit ng kanilang personal na mga sasakyan.
Pumarada si Coco Martin gamit ang kaniyang Inkas Sentry Armored Personnel Carrier. Habang isang truck naman para sa mga co-star niyang sina Vic Sotto, Maine Mendoza at iba pa.
Dahil hindi na rin naayos ang lumubog sa putik na float, nanghiram ng downtown truck ang team ng Otlum at nag-improvised ng bago nilang float. Sampa sa truck, ang limang lead actors na sina Ricci Rivero, Michelle Vito, Buboy Villar, Vitto Marquez at Kiray Celis.
#Fantastica cast are here and all wet when appeared on stage. pic.twitter.com/jR6oXgQza0
— PUSH ALERTS (@Push_Alerts) December 23, 2018
Matapos ang parade nang hingi naman si Anne ng paumanhin sa mga nag-intay sa float ng Aurora.
Mapapanuod na sa mga sinehan ang walong pelikula simula bukas, December 25.