• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes aminadong marami silang adjustments sa second pregnancy ng asawang si Marian Rivera

Dingdong Dantes aminadong marami silang adjustments sa second pregnancy ng asawang si Marian Rivera

Dingdong Dantes, inihahanda na din ang anak na si Zia sa kanyang pagiging big sister.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/24/2018 9:01 AM
Dingdong Dantes aminadong marami silang adjustments sa second pregnancy ng asawang si Marian Rivera


Photo credit to: @marianrivera IG (L)

Aminado ang Fantastica actor na si Dingdong Dantes na masaya siya sa pakikipag-trabaho sa mga Kapamilya celebrities, lalung-lalo na kay Vice Ganda. "Maliit lang naman kasi talaga ang industriya natin. So nagdedepende na yun kung anong klaseng project yan. So, ako grateful ako na nabigyan ako ng chance to do a project like this. It was a pleasure to work with them lalong lalu na si Vice." pahayag ni Dingdong Dantes sa exclusive na interview ng Push Bets. 

 

 

Bukod kay Vice, ito rin ang unang pagkakataong makakatrabaho ng Kapuso actor ang mga bagong Kapamilya love teams tulad nina MayWard (Maymay Entrata and Edward Barbers), LoiNie (Loisa Andalio and Ronnie Alonte), at DonKiss (Donny Pangilinan and Kisses Delavin. Ayon kay Dong, nakikita niya kung gaano ka-sweet ang mga love teams sa set.

"Kapag naghihintay kami, doon kami nag uusap. Ako nga naaaliw ako pag pinapanuod ko yung mga love teams eh, kasi nakikita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa.

"Naaalala ko rin dati kasi nagsimula rin ako sa love team, iniisip ko, "Gano'n ba ako noon?" sabi ni Dingdong.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

O well this time we are joining the other side! 😅 #TheDantesSquad #Halloween2018

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

Samantala, nang tinanong ang status ngayon ng pamilya niya, lalo na sa ipinagbubuntis ni Marian Rivera ang kanilang second baby, aminado ang aktor na may mga bagong challenges silang pinagdaanan na mag-asawa. 

"Maraming adjustment dito sa pangalawa dahil iba e. Sabi nga ng iba, every pregnancy is different. So medyo mahirap ng konti, pero as long as you have people around, support you, it becomes easy," pahayag pa ni Dong.

 

 

"Mina-mindset na namin na ate na siya (Baby Zia). So "ate" na tawag namin sa kanya," dagdag na pahayag ni Dingdong Dantes.

Panuorin ang Push Bets Live episode dito: