Pamilya ni Marco Gumabao, maagang ipinagdiwang ang Pasko

Apat na taon na ngayon na nakapiit sa Muntinlupa ang ama ni Marco Gumabao na si Dennis Roldan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/23/2018 10:53 AM
Pamilya ni Marco Gumabao, maagang ipinagdiwang ang Pasko


Photo Credits: @gumabaomichele Twitter

Sunod-sunod man ang trabaho ngayon ng aktor na si Marco Gumabao, hindi pa din nakalimot ang aktor na maglaan ng oras para sa kanyang pamilya ngayong Pasko.

Kuwento ng aktor, nakagisnan na nila na magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang ama na si Dennis Roldan na apat na taon na ngayong nakapiit sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa.

“Actually ‘pag mismong araw ng (Disyembre) 25, hindi pwede, so we usually go 23 and since hindi ako makakasama because of MMFF (Metro Manila Film Festival), mas maaga na, na-move noong birthday niya (Disyembre 8), we visited him,” kuwento ni Marco sa panayam ng press.

Mahirap man daw ang kasalukuyang sitwasyon, todo pa din ang suportahan nilang pamilya para maiparamdam ang kanilang pagmamahal sa kanilang tatay.

“Mahirap pero nasanay na din kami because ‘yung mom ko naman masipag naman siya mag-visit and ‘yung kuya ko kasi malapit nakatira sa kanya so si kuya ang madalas na nakakapunta sa kanya and also my Tita Isabel (Rivas),” pahayag pa ni Marco.

Dumaadaan man sa pagsubok, labis na pasasalamat padin ni Marco sa suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang buong pamilya.

Sa ngayon, abala si Marco sa Kapamilya series na Los Bastardos at kabilang din sa 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na Aurora.