• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Colorful movie floats of 2018 Metro Manila Film Festival

LOOK: Colorful movie floats of 2018 Metro Manila Film Festival

Rain or shine ay pinagpatuloy pa din ang annual Parade of Stars ng MMFF.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/23/2018 4:12 PM
LOOK: Colorful movie floats of 2018 Metro Manila Film Festival


Kahit na maulan ay tuloy pa din ang parada ng iba’t ibang float ng mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival para sa taunang Parade of Stars.

Ginaganap ito ngayon sa Parañaque City at ang parada ay iikot simula Soreeno St., kakanan ito sa Dr. A. Santos Avenue at didiretso sa Ninoy Aquino Avenue. Kakaliwa sa Kabihasnan at kakanan sa Quirino Avenue. 

READ: ‘Fantastica’ to lead 2018 MMFF parade of stars

Naaayon ang pagkakasunod-sunod ng makukulay na float ayon sa numero na kanilang nabunot kasama ang mga MMFF Executive Committee.

Sa darating na December 27, gaganapin ang gabi ng parangal sa The Theater at Solaire sa Pasay, City.