• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado naiyak sa regalo ng kanyang namayapang ina sa araw ng kanyang kasal

Iza Calzado naiyak sa regalo ng kanyang namayapang ina sa araw ng kanyang kasal

Dinala ni Sunshine Dizon ang itinagong regalo ng ina ni Iza Calzado para sa araw ng kanyang kasal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/23/2018 10:17 AM
Iza Calzado naiyak sa regalo ng kanyang namayapang ina sa araw ng kanyang kasal


Photo credits: @missizacalzado IG (LEFT)

Hindi napigilang maiyak ni Iza Calzado sa araw ng kanyang kasal noong December 19 sa Palawan nang biglang ipresinta ng kaibigan na si Sunshine Dizon ang isang diamond bracelet na mula sa kanyang namayapang ina. 

Ipinatago pala ito ng mommy ni Iza sa paghahanda para sa pagpapakasal ng anak balang araw. 

Mapapanood ang touching na eksena sa isang video na ibinahagi ni Dr. Vicki Belo, na isa sa mga guests sa kasal. 

"I know this is something you will treasure forever," sambit ni Sunshine, na niyakap ng mahigpit ang best friend sa kanyang reception. 

Matatandaan na yumao ang ina ni Iza na si Mary Ann Ussher nang dahil sa sakit na cancer noong 2001. Ang kanyang ama, ang choreographer na si Lito Calzado ay namatay din nang dahil sa cancer noong 2011.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@missizacalzado looking breathtakingly beautiful !!

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on